SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG
TULOY-TULOY ang mga programa at proyekto ni Sangguniang Kabataan (SK) Chairman Dr. Monte Tolentino ng Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.
Walang ibang nais si Tolentino kundi ang mapabuti ang buhay ng kanyang mga ka-barangay.
Bata pa lang daw pala itong si Tolentino ay talagang mulat na ito sa pagseserbisyo sa kanilang nasasakupan.
Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng solusyon sa mga problema ng mga taga-barangay.
Tinututukan niya ang problema sa edukasyon, kalusugan, kagutuman, at iba pa.
Siyempre, katuwang ni Dr. Monte sa mga programa at proyekto si Mayor Jun Ynares.
“Nakisaya tayo at nag-abot ng tulong…sa ating Antipolo Serbisyo Caravan hatid ni Mayor Jun Ynares sa Sitio Tanza 1, Brgy. San Jose!” wika ni Dr. Monte.
“Maraming Salamat po sa Antipolo City Government sa pangunguna ni Mayor Jun na hinayaan kaming makiisa sa napakagandang proyekto na ito ng city government.”
Samantala, wala namang mapagsidlan ang saya ni Dr. Monte dahil nakikita niyang nagsusumikap ang mga ka-barangay nilang napagkalooban ng scholarship ng kanyang liderato. “Isang kabataang iskolar ng San Jose ang nagtapos bilang Magna Cum Laude. Siya ay graduate ng ICCT Colleges,” sabi ni Dr. Monte.
Para kay Dr. Monte, makita lang niya na nagtatagumpay ang mga nabigyan nila ng tulong ay masaya na siya.
Dahil sa mindset at husay ng serbisyo ni Dr. Monte, marami ang humihimok sa kanya na tumakbo sa pagka-kapitan sa darating na eleksiyon.
Sinasabing kahit bata pa siya na maituturing ay sanay na siya sa public service at talagang tumutulong siya sa kanilang mga ka-barangay. “Nabalitaan ko po na apat na iskolar ng SK San Jose ang nagtapos ng may Latin Honors,” masaya niyang sabi.
“Nakaka-inspire ang sipag at dedikasyon ninyo sa pag-aaral lalo na’t nagtapos kayo sa gitna ng pandemya. Bilang pagkilala sa inyong achievement at tulong na rin sa paghahanap ninyo ng trabaho, munting cash incentive po ang handog namin sa inyo.”
Sabi nga niya, iba talaga ang mga kabataan sa San Jose, talagang nag-e-excel.
“Muli, congratulations Jessa Mae Dalimag (Magna Cum Laude), John Dexter Reyes (Magna Cum Laude, Eduardo Abana III (Magna Cum Laude), at Emmanuel Gerado (Cum Laude),” dagdag pa ng binansagang ‘future barangay captain’ ng Brgy. San Jose.
320