MAS MALINIS NA KINABUKASAN SA TULONG NG PROGRAMANG ONE FOR TREES NG ONE MERALCO

SA GANANG AKIN

DALAWA sa pinakamalaking hamon sa kalikasan na hinaharap ng buong mundo ay ang climate change at global warming. Hindi ito dapat ipagsawalang bahala bagkus nararapat aksyunan bago tuluyang mahuli ang lahat dahil hindi lamang tayo ang maaaring maapektuhan nito kundi pati ang mga susunod na henerasyon.

Ang Meralco, bilang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa, ay isa rin sa mga tagapagtaguyod ng sustainability. Batid ng kompanya ang kahalagahan ng adbokasiyang ito lalo na sa pagtulong sa pagtugon sa global warming at climate change. Kaya naman isa sa mga pangunahing programa sa ilalim ng sustainability agenda nitong Powering the Good Life ay ang One for Trees.

Ang One for Trees ang environmental advocacy program ng One Meralco na pinangangasiwaan ng One Meralco Foundation (OMF), ang social development arm nito. Layunin ng programa na pag-ingatan at pangalagaan ang planeta sa pamamagitan ng pagtatanim at pangangalaga ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Taong 2019 nang inilunsad ang programa. Sa loob ng humigit kumulang apat na taong pagtakbo nito, umabot na ang inisyatiba sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas gaya ng Bohol, Bukidnon, Aklan, Agusan del Norte, Pampanga, Bulacan, Laguna, Panay, at Cebu.

Kamakailan, inanunsyo ng One Meralco ang matagumpay na pagtatanim at pangangalaga nito sa higit dalawang milyong puno na sumakto naman sa selebrasyon ng Earth Day ngayong taon. Bunsod ng tagumpay na ito ng programa, naging mas makahulugan ang naturang okasyon para sa One Meralco. Maaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga susunod na taon dahil target ng One for Trees na makamit ang bilang na limang milyong puno sa pagsapit ng taong 2026.

Kung hindi ninyo nalalaman, kaiba sa mga pangkaraniwang tree planting activity, hindi lamang pagtatanim ang ginagawa sa ilalim ng programang One for Trees. Upang tunay na maging epektibo ang programa, kabilang sa sinisiguro ng OMF na ang mga itinanim ay mabubuhay, tutubo, at magiging ganap na mga puno.

Kabilang din sa layunin ng One for Trees ang pagtulong sa mga miyembro ng komunidad kung saan ito may aktibong proyekto. Ang mga miyembro ng komunidad na nangangailangan ng kabuhayan ay nabibigyan ng hanapbuhay gaya ng pagtatanim at pangangalaga ng mga puno.

Ayon kay Meralco President & CEO at OMF Vice Chairman Atty. Ray C. Espinosa, “Our reforestation efforts are in line with One Meralco’s holistic approach to embed sustainability not just in our business operations, but also in the development of the communities we serve. As we continue to engage more stakeholders in environmental protection and conservation, we remain committed to helping ensure that the responsibility and benefits of investing in our planet is shared by all.”

Ang One for Trees ay isa lamang sa programa ng One Meralco sa ilalim ng sustainability agenda nito na nakabatay at sumusuporta sa iba’t ibang United Nations Sustainable Development Goal.

351

Related posts

Leave a Comment