TARGET NI KA REX CAYANONG
MAS pinaigting ng lalawigan ng Quezon ang kampanya laban sa nakaambang banta ng outbreak ng vaccine preventable diseases. Kabilang sa mga sakit na ito ay ang polio, rubella, at tigdas.
Kaya ayon kay Gov. Doktora Helen Tan, isinagawa kamakailan sa bayan ng Lopez ang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) upang mabakunahan ng mabisang panlaban ang mga bata mula sa mga nasabing sakit.
Personal namang nagtungo si Gov. Tan sa aktibidad upang maiparating ang kanyang pagsuporta na malabanan at maiwasan ang nakatalang mga sakit na ito.
“Kasama ring nakiisa sa programa sina Mayor Rachel Ubana, DOH CHC CALABARZON Regional Director Dr. Ariel Valencia, 4th District Cong. Atorni Mike Tan, Philippine Pediatric Society-Southern Tagalog Chapter President Lizette Gutierrez-Pontanilla, at DOH Provincial Health Team Leader Juvy Paz-Purino,” ayon sa masipag na gobernadora.
Magkakaroon daw ng mga libre, epektibo, at ligtas na pagbabakuna para sa mga bata sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Ito ang dapat abangan ng ating mga kababayan.
Samantala, katuwang naman ni Gov. Tan sa pagseserbisyo sa mga taga-Quezon ang kanyang anak na si Cong. Atorni Mike at iba pang local officials.
Tinutulungan ni Cong. Tan ang ating mga kababayang katutubo mula sa bayan ng Lopez.
Gumagawa ang mga ito ng handcrafted bags at iba pa na napakagandang produkto. Talaga namang matibay at pangmatagalan ang gamit.
Kung hindi ako nagkakamali, ang mga katutubo ay kasama sa mga benepisyaryo mula sa programang 3PK ni Cong. Mike.
“Suportahan at tangkilikin natin ang 3PK Bazaar na matatagpuan sa Municipal Town Plaza ng Bayan ng Lopez. Maraming mabibili at makakain na gawang produkto ng ating mga kalalawigan. Pasyal po kayo!” pahayag ni Gov. Tan.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
182