BULKANG MAYON ITINAAS SA ALERT LEVEL 3

ITINAAS na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 3 ang Mayon volcano bunsod ng dumaraming naobserbahang abnormalidad ng bulkan sa nakalipas na mga araw.

Ilang araw pa lamang mula nang ilagay sa alert level 2 ang bulkan.

“DOST-Phivolcs is raising the Alert Level of Mayon Volcano from Alert Level 2 to Alert Level 3,” saad ng kalatas mula sa ahensya.

Ayon sa Phivolcs, ang pagtataas nila ng alerto ay upang bigyan ng babala ang publiko sa posibleng phreatic eruptions o hazardous magmatic eruption.

Una rito, nakita sa aerial survey na patuloy ang paglaki ng lava dome sa crater ng bulkan. (JESSE KABEL RUIZ)

922

Related posts

Leave a Comment