BOC-POB PINALAKAS UGNAYAN SA DA VS AGRI SMUGGLING

PINALAKAS ng Bureau of Customs Port of Batangas ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture (DA) para sa paglaban sa agri-products smuggling sa bansa.

Sina BOC-POB District Collector Atty. Ma. Rhea Gregorio at DA Inspectorate and Enforcement chief Assistant Secretary James Layug ay nagsagawa ng coordination meeting kamakailan.

Ang nasabing meeting ay naka-focus sa pagpapalakas ng mga hakbang para sugpuin ang agricultural smuggling sa bansa.

Sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Bienvenido Rubio, POB ay naglalayong ipatupad ang mahigpit na mga hakbang sa pagprotekta ng national borders mula sa masama at ilegal na kalakalan.

Ito ay para makatulong na rin sa sektor ng pagsasaka sa bansa na siyang pangunahing napeperwisyo ng agri-smuggling.

Ito rin ang nag-udyok kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na pansamantalang hawakan ang pagiging kalihim ng DA para labanan ang agri-products smuggling.

Matatandaan, paulit-ulit na inirereklamo ng mga magsasaka na pangunahing pumapatay sa lokal na mga produkto ang agricultural smuggling.

Kabilang na rito ang smuggling ng bigas, asukal, sibuyas, at iba pang produktong agrikultura na inaani ng mga magsasakang Pilipino.

(JO CALIM)

235

Related posts

Leave a Comment