P65-M PROYEKTO AT SERBISYO SA COCO FARMERS AARANGKADA NA

TINIYAK ng Philippine Coconut Authority (PCA) na aarangkada na ang may P65 million halaga ng programa ng pamahalaan para sa proyekto at serbisyo sa coconut farmers sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development (CFID).

Nabatid ito sa PCA sa kick-off ng 50th Anniversary celebration awards program ng ahensya nitong Lunes sa program benefits sa coconuts farmers.

Ayon kay PCA Administrator Bernie Cruz, sa kasalukuyan umuunlad ang produksyon ng coconut sugar sa bansa na isa sa coconut product sa kabila ng pagmahal ng presyo ng asukal sa merkado.

“May kabuuang P65 million programs project and services sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development ang nakalaan para sa coconut farmers,” dagdag pa ni Cruz.

Unti-unti na aniyang nakikilala ang coconut sugar product dahil sa malaking demand nito.

“Halos aabot sa 5 milyon buko ang gusto i-import ng China sa Pilipinas dahil sa malaking potensyal ng buko product,” aniya pa.

Nabatid pa kay Cruz na malaki ngayon ang demand ng coconut sugar sa merkado dahil mas healthy ito kaysa ibang brand ng asukal.

Dahil dito, mas hinihikayat ng ahensya ang coconut farmers na paunlarin pa ang pagtatanim ng niyog na isa na ngayong napakahalagang produkto at napakikinabangan.

“Napakaraming gamit ng niyog gaya ng coconut oil pati ang bunot at bao ng niyog ay napapakinabangan na rin. ” ani Cruz.

Ayon pa sa administrator ng PCA ang puno ng niyog ay ginagamit din bilang coco lumber at pangunahing pinagkukunan ngayon ng kahoy.

Sa kasalukuyan, aabot sa 3 milyon coconut farmers ang umaasa sa produkto ng pagniniyog.

(PAOLO SANTOS)

759

Related posts

Leave a Comment