TOTAL GUN BAN SA 3 REHIYON SA IKA-2 SONA NI MARCOS JR.

PAIIRALIN ng Philippine National Police (PNP) ang total gun ban sa tatlong rehiyon sa bansa kaugnay sa gaganaping ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Hulyo 24.

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, aabot sa 23,000 pulis ang kanilang idedeploy sa paligid ng Batasan Complex at sa mga estratehikong lugar at places of convergence.

Sinabi naman ni PNP Directorate for Operations Chief Police MGen. Leo Francisco, partikular na paiiralin ang gun ban sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon. Ipatutupad ito ng 24-oras mula alas-12:01 ng madaling araw ng Hulyo 23 hanggang alas-11:59 ng gabi ng July 24.

Dahil dito, ani Mgen Francisco, suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside residence ng mga gun owner sa tatlong nabanggit na rehiyon sa bansa. Tanging law enforcers ang papayagan na magbitbit ng baril sa nasabing panahon.

Una nang sinabi ng PNP na nasa final stage na sila ng kanilang inilalatag na security preparation para sa SONA. (JESSE KABEL RUIZ)

261

Related posts

Leave a Comment