SA GANANG AKIN ni JOE ZALDARRIAGA
KINILALA muli ang PLDT at Smart Communications ng Ookla, isang kumpanya para sa network monitoring, bilang tagapaghatid ng pinakamabilis na internet sa bansa, patunay sa husay ng serbisyo nito.
Ginawaran ang PLDT ng Speedtest Award for Fastest Fixed Network sa loob ng limang taon. Natatangi ang nasabing parangal dahil ang PLDT ang kauna-unahang kumpanya na tumanggap ng ganitong pagkilala sa Pilipinas.
Ang Smart naman ay muling kinilala bilang Best Mobile Network sa bansa para sa unang anim na buwan ng 2023. Natamo ng Smart ang ‘three-peat’ na karangalan matapos mag-uwi ng dalawang parangal noong 2022 para naman sa Fastest Mobile Network and Best Mobile Coverage.
Ginanap ang pagkilala sa PLDT at Smart kasabay ng pagpupulong nina PLDT Chairman Manuel V. Pangilinan, at PLDT and Smart President and CEO Alfredo S. Panlilio kay Stephen Bye, President and CEO ng Ookla kamakailan lamang.
Bunga ang lahat ng ito ng walang tigil na pagsusumikap ng PLDT at Smart na lalo pang pabilisin at pagandahin ang kalidad ng serbisyo ng internet na hatid nito sa publiko.
Bukod kasi sa pagsisiguro na maaasahan ang serbisyo ng internet, patuloy rin ang paghahanap ng PLDT at Smart ng mga bagong teknolohiya na makatutulong sa pagpapabuti pa ng operasyon nito.
Sa panahon kasi ngayon, hindi na maikakaila na malaki at patuloy pang lumalaki ang papel na ginagampanan ng PLDT at Smart sa buhay ng mga Pilipino bilang tagapaghatid ng mabilis at maaasahan na serbisyo ng internet lalo na’t halos lahat ay digital na.
Batid ng PLDT at Smart ang kahalagahan ng tuluy-tuloy na pagpapabuti ng serbisyo ng internet at tinitiyak ng kumpanya na ito ay prayoridad hindi lamang para mas lalo pang mapaganda ang karanasan ng mga customer kundi bilang suporta rin sa pamahalaan.
Isa kasi sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng digital infrastructure ng bansa para sa pagsusulong ng digitalization sa bansa at kaisa ng pamahalaan sa layuning ito ang PLDT at Smart.
Tiniyak ito ni Panlilio na sinabing walang humpay ang pagsusumikap ng PLDT Group para lalo pang pagbutihin ang serbisyong hatid nito sa mga customer para masuportahan ang lumalaking demand sa mabilis na serbisyo ng internet.
“True to our Purpose at PLDT Group, I am proud of how we are able to evolve with our customers’ increasingly digital lifestyles and enable meaningful connections – as attested by our awards from Ookla. As the driving force behind these recognitions, our Fixed, Mobile, and Enterprise customers can rest assured that they can count on us to continuously provide them with the best network possible,” aniya.
Dagdag pa ni Panlilio, prayoridad ng PLDT at Smart ang tuluy-tuloy na pagpapalakas ng integrated fixed and wireless network nito para mapanatili ang magandang serbisyong hatid nila sa mga Pilipino.
989