BINALOT ng tensyon ang mga pasahero ng Roro/passenger vessel nang bigla itong tumagilid sa karagatan ng Barangay Nasunugan, Banton, Romblon, noong Linggo ng madaling araw.
Base sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), kinilalang si Elmo Sumocol ang kapitan ng MV Maria Helena ng Montenegro Shipping Lines Inc. na may sakay na 50 pasahero, mga driver ng 16 rolling cargoes, at 32 crew.
Ayon sa kapitan ng barko, tumagilid ang barko sa kaliwang bahagi nito matapos pumutok ang isang gulong ng isa sa mga rolling cargo.
Bunsod nito, nagkaroon ng ‘imbalance’ o paggalaw ng rolling cargoes dahilan para tumagilid at pinasok ng tubig ang barko. Nakumpirma namang walang butas o crack ang barko.
Maagap namang naibaba ang mga pasahero gamit ang lifeboat. Tumulong ang PCG team at mga lokal na pampasaherong bangka upang ligtas na maibaba ang mga pasahero.
(RENE CRISOSTOMO)
161