BOC NAKALAGPAS SA JUNE AT MID-YEAR TARGET NG MAHIGIT SA P13-B

NAKAPAGKOLEKTA ang Bureau of Customs ng P74.861 bilyon sa duties and taxes nitong Hunyo, lumagpas ng P140 milyon sa nakatalaga sa kanilang target na P74.721 bilyon para sa nasabing buwan.

Base sa report mula sa Bureau of Treasury, ang BOC’s June collection ay nagdala sa ahensiya ng kabuuang collections mula Enero hanggang Hunyo ng P434.169 bilyon kung saan ay mataas ng P13.505 bilyon o 3.21%, mas malaki kum­para sa P420.66 bilyon na nakatalaga sa kanilang revenue target.

Sumasalamin sa pigurang ito ang P37.434 bilyon na paglago kung ikukumpara sa nakaraang taon.

Ang pagtaas ng kita ay naabot sa kabila ng mga pagsubok sa importation volume, na negatibong 2.8% ngayong taon para sa high-value commodities.

Karagdagan nito, bagamat ang volume ng oil ay tumaas ng 9.9% ngayong taon kung ikukumpara sa nakaraang taon, ang kita mula sa nasabing kalakal ay nabawasan dahil sa pagbaba ng halaga sa world market (from as high as $1.1 per liter in June 2022 to just $ 0.63 per liter average) ngayong buwan.

Ang BOC ay walang humpay sa paglaban sa smuggling ng lahat ng klase ng mga produkto, na makabuluhang nakadagdag sa kanilang collection performance.

Gayundin, ang mga pagsisikap na labanan ang smuggling ay nagresulta sa pagkasabat ng shipments na tinatayang P23.8 bilyon ang halaga ngayong taon.

Sa mga ito, ang P15.54 bilyon ay mula sa nasabat na mga pekeng kalakal, P2.90 bilyon mula sa nasabat na agricultural products, at P1.85 bilyon mula sa nasabat na cigarettes/tobacco, at marami pang iba.

Ang bureau ay nakapag-post ng makabuluhang karagdagan sa koleksyon ngayong taon.

Bukod sa lagpas na kanilang monthly collection targets, isang record-breaking daily collection na P7.510 milyon, nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon sa kasaysayan ang BOC, noong Abril 28, 2023, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio.

Dahil dito, nagpasalamat si Commissioner Rubio sa mga empleyado ng bureau sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon at pagtupad ng mahirap na trabaho na naging daan sa nasabing kapansin-pansing tagumpay.
(BOY ANACTA)

310

Related posts

Leave a Comment