Pagkatapos ng halos dalawang taon na paghihintay matapos ang OWWA Selection Committee panel interview noong Hunyo 2017, ay pormal na akong manunumpa sa Malacañang sa harap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong miyembro ng Board of Trustee ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Taliwas sa inaakala ng maraming OFW, ang pagiging isang miyembro ng Board of Trustee ay hindi isang hanapbuhay na maituturing, dahil wala naman itong regular na sweldo na matatangap.
Ang tanging kagustuhan ko lamang o inte¬res sa pagiging miyembro nito ay upang masiguro na maririnig ang tunay na boses ng mga OFW sa tuwing may pagpupulong para sa pagbabalangkas ng polisiya at programa ang kabuuan ng OWWA Board of Trustee.
Bukod pa rito, aaminin ko na ang maging isang Presidential Appointee ay isang malaking karanga-lan hindi lamang para sa aking sarili kundi para sa aking buong pamilya lalo na para sa aking mga anak.
Kung kaya, upang masiguro na tama ang lahat ng aking dadalhin na suhes¬tiyon sa tuwing magpu-pulong ang OWWA Board of Trustee ay aking binuo ang OFW Advisory Council na binubuo ng mga respetadong tao sa hanay ng Media, Recruitment Agency, OFW Advocacy at OFW Leaders na kin-abibilangan nina Lito B. Soriano, Marcia Gonzalez-Sadicon, Maxxie Santiago, Emmanuel Geslani, Atty. Marlon Valderama, Francis Oca, Francis Naval , Gemma Sotto at Former Under Secretary Ra-fael Seguis.
Hangarin ng bagong buong OFW Advisory Council na himayin ang bawat suhestion o alituntunin na makakatulong sa pagpapabuti ng serbisyo ng Overseas Workers Welfare Adminstration para sa kapakanan ng lahat ng mga aktibo o retiradong Overseas Filipino Workers maging ang kanilang pamilya.
Sa aking pormal na panunumpa at pagtanggap ng aking tungkulin bukas sa harap ni Pangulong Duterte, ay akin din ipinapangako sa lahat ng kapwa OFW na aking tutuparin ng buong katapatan ang aking paglilingkod bilang boses ng mga OFW sa OWWA. Kasabay nito, ay akin din naman hinihiling na tulungan at unawain din ako, dahil bilang isa sa mi¬yembro lamang sa Board of Trus-tee, ay mayroon din naman hangganan o limitasyon ang aking magagampanan. Hindi po kasama sa tungkulin ko ang magbigay ng trabaho, dahil matapos na ako ay nag-anunsiyo ng a¬king ap-pointment ay biglang dumami ang nagpadala sa akin ng kahilingan na bigyan sila ng hanapbuhay.
oOo
Ang AKO OFW ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga OFW. Ipadala po lamang ang inyong mga sumbong o reklamo sa aking email sa ako.ofw@yahoo.com (DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)
