AGRICULTURAL SMUGGLER, IKULONG – CONG. ERIC YAP

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MATAGAL nang umiiral ang Anti-Agricultural Smuggling Law sa bansa.

Kung hindi ako nagkakamali, nasa pitong taon na mula nang ipasa ito ng Kongreso at Senado.

Ang masaklap, hanggang ngayon, wala ni isa mang smugglers ng agricultural ­products ang naparurusahan ng economic sabotage.

Talamak at lantaran na ang smuggling. Tila walang ­kinatatakutan ang mga salarin. Noon pa, may mga ganyan na.

Aba’y talamak din noon pa ang pagpupuslit ng bigas, asukal, karneng baboy, manok, gulay, prutas at iba pa.

Ngayon naman, pati pulang sibuyas, pinupuslit na rin. Kung kailan magpa-Pasko, saka naman iniipit ang suplay.

Anyong may sumasabotahe talaga. Kaya tinawagan namin si Benguet ­Representative Eric Yap para alamin ang reaksyon niya ukol dito.

Dito’y nanawagan si Yap sa Bureau of Customs (BOC) na siguruhing mauuwi sa pagkakakulong ang isinampang mga kaso laban sa agricultural smugglers.

Kung matatandaan kasi, nasabat ng BOC ang ₱20.193-milyong halaga ng ipinuslit na agricultural products na pawang frozen carrots sa Subic Port.

Sa panayam ng inyong lingkod sa programang “TARGET ON AIR” sa DZME 1530, nabanggit ni Cong. Eric na hindi lang ito usapin ng nawawalang kita sa pamahalaan.

Tama nga naman ang masipag na solon, ang ­smuggling kasi pahirap sa mga magsasaka natin na siyang nagtatanim, umaani at nagbebenta ng kanilang produkto sa iba’t ibang panig ng bansa.

Naharang din ng BOC sa hiwalay na operasyon ang isa pang shipment na pinalabas bilang lobster balls at crabstick. Nang bulatlatin, aba’y puti at pulang sibuyas pala ang laman.

Tsk, tsk, tsk.

Sabi nga Yap sa aking ­radio program, hindi maaaring ­hanggang sa pagkakahuli lang ang aksyon ng pamahalaan sa mga smuggler na ito. Dapat nga namang maipakulong sila.

Naku, noon pa’y umaaray na ang mga lokal na ­magsasaka ng gulay dahil sa patuloy na pagdagsa ng agri products.

Tila walang magawa ang BOC at maging ang Department of Agriculture (DA).

Sana’y hindi ningas-kugon ang mga operasyon nila. Tuluyan sana nila pa ang iba pang mga salarin.

189

Related posts

Leave a Comment