PORMAL nang inilunsad kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pamumuno ng Pilipinas sa ika-47 Association of Southeast Asian Inter-Parliamentary Assembly o AIPA.
Bilang Speaker of the House, si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III ang tumatayong presidente at host parliament ng AIPA 2026, na dinaluhan ng mga mambabatas mula sa 11 bansang kasapi ng ASEAN, kabilang ang Timor-Leste bilang bagong miyembro ng asosasyon.
“Our guiding theme is clear: Parliaments Securing a Peaceful, Prosperous, and People-Centered ASEAN. It reflects a fundamental truth: communities endure not on aspiration alone, but on laws that are credible, systems that are trusted, and leaders who deliver results,” ani Dy sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng AIPA.
Ayon kay Dy, kaayon ng adyenda ng AIPA ang layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na higit pang palalimin ang ugnayan at kooperasyon ng mga bansa sa rehiyon, partikular sa usapin ng regional security at economic integration na nakatuon sa kapakanan ng mamamayan ng ASEAN.
Kabilang sa mga pangunahing adyenda ng AIPA ang paggawa ng mga batas na may kaugnayan sa maritime security, transnational crime, cyber threats, at disinformation.
“From my experience leading the House of Representatives, one lesson stands out: public trust is built through results. People judge governance by how decisions are made, whether processes are transparent, and whether outcomes genuinely improve daily life,” dagdag pa ni Dy.
Ito ang ikapitong pagkakataon na ang Pilipinas ang nagho-host ng AIPA mula nang maitatag ito noong 1977 bilang ASEAN Inter-Parliamentary Organization (AIPO), na kalaunan ay pinalitan ng pangalang AIPA noong 2006.
(BERNARD TAGUINOD)
64
