BILANG bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang lungsod ng Maynila na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at mapanatiling malinis at ligtas na lugar, naglagay ito ng mga air quality monitoring sensor sa ilang bahagi ng lungsod.
Pinangunahan ng Department of Environment and Public Services, katuwang ang City Electrician’s Office, ang pagkakabit ng apat na air quality monitoring sensor.
Partikular itong ikinabit sa Anda Circle, sa tapat ng San Sebastian Residences, Sta. Ana Hospital, at malapit sa isang supermarket sa Tayuman.
Magbibigay ng real-time data ang mga sensor upang masuri ang kalidad ng hangin at antas ng mga pollutant.
Magsisilbi itong mahalagang batayan sa pagsusuri ng kalagayang pangkapaligiran, pagbuo ng mga polisiya, at pagpapatupad ng angkop na hakbang para sa pagkontrol at pagbawas ng polusyon sa hangin.
(JOCELYN DOMENDEN)
1
