MULING nagpakita ng abnormalidad ang Mt. Pinatubo, bunsod ng mga narehistrong “persistence seismic activity,” 30 taon matapos ang nangyaring major eruption na nakaapekto sa buong Luzon at Metro Manila.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa alert level 0, itinaas ito sa alert level 1.
“This means that there is low-level unrest that may be related to tectonic processes beneath the volcano and that no imminent eruption is foreseen,” ayon sa inilabas na bulletin ng Phivolcs nitong Huwebes.
Sa kasalukuyan, wala pa umanong indikasyon na may magaganap na pagsabog sa susunod na mga araw.
Gayunman, patuloy itong oobserbahan para sa kaligtasan ng mga residente sa Central Luzon.
Huling sumabog ang bulkan noong Hunyo 15, 1991, at umabot ang ashfall hanggang ibang bansa na naging dahilan para mabilis ding napa-alis ang US Bases saPilipinas.
Nabatid na umaabot sa 1,722 “imperceptible” earthquakes ang naitala sa paligid ng Mt. Pinatubo simula Enero 20, 2021, ayon pa sa Phivolcs.
Ang unang kumpol ng paglindol na may magnitudes 1 hanggang 2.5, ay nagmula sa bahagi ng Sacobia Lineament. Isa umano ito faultline na naging aktibo kasabay sa cataclysmic eruption ng bulkan noong Hunyo 1991. (JESSE KABEL)
