ALERT LEVEL 3 NANANATILI SA TAAL

NAKATAAS pa rin sa alert level 3 status ang Bulkang Taal matapos makapagtala ng 10 volcanic earthquakes, siyam na volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang anim na minuto, isang low frequency volcanic earthquake at low level background tremor simula noong Hulyo 8, 2021.

Aabot sa 900 metro na volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes ang ibinuga ng bulkan patungong hilagang silangan mula sa main crater nito.

Mayroong 2,441 tonelada kada araw na SO2 o sulfur dioxide ang ibinuga mula kamakalawa (Hulyo 18). Ang ground deformation ng bulkan ay marahan na may pag-impis ng Taal Volcano Island simula Abril 2021 ngunit ang kalakhang Taal naman ay nakararanas ng marahang paglawak simula noong 2020.

Ang kalagayan ng magma na nanunuot sa main crater ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog.

Patuloy ang pagpapaalala ng DOST-Phivolcs sa mga nagnanais pumunta sa Taal Volcano Island o TVI na ito ay isang Permanent Danger Zone at hindi rin pinapayagan ang pagpasok sa high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel. (CYRILL QUILO)

113

Related posts

Leave a Comment