Andanar pumiyok PCOO MAGAGAMIT SA KAMPANYA NI DU30

AMINADO ang Presidential Communication Operation Office (PCOO) na hindi maiiwasang magamit ang kanilang puwersa sa kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin ito ni PCOO Secretary Martin Andanar sa pagdinig ng House committee on appropriations sa P1.91 billion budget ng nasabing tanggapan sa 2022.

“We will continue to exercise our mandate to cover President Rodrigo Roa Duterte until the end of his term on June 30, 2022,” ani Andanar nang tanungin ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate kung anong magiging papel ng PCOO sa pagtakbo ni Duterte bilang pangalawang pangulo sa 2022.

Hindi aniya lingid sa lahat na nag-anunsyo na si Duterte na tatakbo bilang pangalawang pangulo ng bansa sa susunod na taon “and if that happens, that’s the first time that we have a president run for vice president but we have a mandate Mr. chairman to cover the president. I guess the equity of incumbent Mr. chairman,” ayon sa mambabatas.

Dahil dito, sinabi ni Zarate na asahan nang magagamit ang pondo ng bayan para sa political interest ni Duterte at sinomang babasbasang kandidato nito sa pagkapangulo.

“At least now its clear that the PCOO through to his mandate will give advantage (sa kandidatura ni Duterte). Malinaw ‘yan na ang buong makinarya ng PCOO ay gagamitin to the advantage of president,” ani Zarate.

Samantala, pinuna rin sa nasabing pagdinig ang pangungulelat ng mga communication arm ng gobyerno tulad ng Radio Pilipinas sa ibang radio station sa bansa.

Sa magkahiwalay na interpelasyon nina Agusan del Sur Rep. Lawrence Fortun at Albay Rep. Edcel Lagman, kapwa dismayado ang mga ito dahil hindi nakakahabol ang gobyerno sa pribadong radio stations. (BERNARD TAGUINOD)

116

Related posts

Leave a Comment