ANTI-HOARDING AT PANIC BUYING MEMO, PLANONG ALISIN NA NG DTI

PINAG-AARALAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal ng limitasyon sa pagbili ng ilang piling produkto na ipinatupad noon sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, masusi nilang pinag-aaralan ang pagtatanggal ng ilang hakbang para iwasan ang hoarding at panic buying bunsod na rin ng hiling ng ilang negosyante.

“We have been receiving requests from manufacturers and retailers, both na i-lift na po natin ang ating anti-hoarding at anti-panic buying memorandum circular… We are studying if we will remove the purchase limit na. Si Sec. [Mon] Lopez is still looking into it,” ayon kay Usec. Castelo.

Magugunitang nagpalabas ang DTI ng isang memorandum circular para limitahan ang bilang ng mga mabibiling produkto nang magsimula ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Kabilang dito ang alcohol, hand sanitizer, disinfecting liquids, bath soap, toilet paper, face mask, noodles, canned sardines, milk, instant coffee, at iba pa.

Ayon pa kay Usec. Castello, sa monitoring naman ng DTI sa manufactured food products ay stable ang presyo ng mga ito sa kasalukuyan. CHRISTIAN DALE

155

Related posts

Leave a Comment