Anyare sa Anti-Dengue Program? DOH GIGISAHIN NG KONGRESO

(BERNARD TAGUINOD)

NAGPATAWAG ng imbestigasyon ang isang mambabatas sa Kamara upang alamin kung bakit patuloy sa pagtaas ang kaso ng dengue sa bansa sa kabila ng Dengue Prevention and Control Program ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang House Resolution (HR) No. 79, inaatasan ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang House committee on health na imbestigahan kung gumagana ang nasabing programa sa gitna ng pagdami ng tinatamaan ng dengue.

Ayon sa mambabatas, layon ng National Dengue Prevention and Control Program na mabawasan ang morbidity at mortality sa dengue.

“However, it appears that the current strategies of the DOH are not working, as we are again facing the possibility of another dengue outbreak throughout the country,” ayon sa kongresista.

Sa ulat, tumaas sa 90 percent ang dengue cases sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Inihalimbawa ng mambabatas ang report ng DOH na umaabot sa 64,797 ang naitalang dengue cases sa bansa mula Enero hanggang Hunyo 2022 kumpara sa 79,872 na naitala sa buong taon ng 2021.

Lumabas din umano sa datos ng World Health Organization (WHO) na mataas ang case fatality rate (CFR) sa mga batang edad 0-9 gayung ang target ng programa ay ibaba ito sa 0.1%.

Sa Western Visayas pa lamang aniya ay umaabot na sa 5,057 ang dengue cases sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan at 31 na agad ang namatay sa nasabing virus na mula sa lamok.

406

Related posts

Leave a Comment