(Ni BOY ANACTA)
Positibong nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga ang kanilang month of August collection target.
Sa pinakahuling report, ang BOC Port of Zamboanga ay nakapagtala ng P43,159,107.00 na kung saan nalagpasan ang kanilang monthly target na P19,340,000.00 na katumbas ng P23,819,107.00 o 123.16 porsyentong pagtaas.
Nauna rito, ang BOC Port of Zamboanga kasama ang BOC Intelligence and Enforcement Groups at iba pang ahensya ng gobyerno ay nakasabat ng smuggled rice at cigarettes sa may Pangutan, Sulu at Isabela City, Basilan noong Agosto 19.
Ang nasabing saku-sakong bigas ay nakita sa loob ng ML Nharzmar-2 habang nakadaong sa Weebin Private Wharf, Baliwasan Seaside, Zamboanga City.
Nasabat din ng BOC Port of Zamboanga mula sa MV Trisha Kirstin-1 ng Aleson Shipping Lines ang kahun-kahong smuggled cigarettes.
Ang pagkakasabat ng kargamento ay kinumpiska base sa paglabag sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at RA 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines.
Ang pagkakasabat ng saku-sakong bigas at sigarilyo ay naging malaking ambag para malagpasan ang buwanang target ng BOC Port of Zamboanga.
Kadalasang nasasabat ng mga tauhan ng BOC Port of Zamboanga ay mga sigarilyo na nanggagaling mula sa mga kalapit na bansa sa Asya tulad ng China.
150