LEYTE – Arestado ang isang mataas na lider ng New People’s (NPA) at apat na iba pa sa ikinasang Joint AFP-PNP law enforcement operations sa Tacloban City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang arestadong lider ng NPA na si Frenchie Mae Castro Cumpio, alyas Pen, secretary ng Regional White Area Committee – Eastern Visayas Regional Party Committee (RWAC-EVRPC), habang hindi naman pinangalanan ang apat na iba pang kasabay na nadakip nitong Pebrero 7 sa Tacloban City. Nabatid na pasado alas-2:00 ng madaling araw nitong Biyernes nang…
Read MoreAuthor: admin
BUY AND SALE TRADER TODAS SA AMBUSH
MAGUINDANAO – Patay ang isang buy and sale trader makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, iniulat nitong Biyernes sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Efren Saydoquis, 51, may asawa, negosyante at residente ng Sitio Bolo, Brgy. Pandan South Upi, Maguindanao. Batay sa report ng Maguindanao Police Provincial Office, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong multicab galing sakahan at pauwi sa kanilang bahay nang tambangan ng hindi kilalang armadong kalalakihan. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon. Inaalam pa ng mga awtoridad ang…
Read MoreDAMING NAG-REACT SA TOPLESS NI ALDEN
SWAK: Ang daming nag-react sa mga ipinu-post ni Alden Richards na naka-topless at may pa-abs pa itong ipinakikita. Siya kasi ang bagong endorser ng Century Tuna Superbods kasama si Nadine Lustre. Kaya naman kinarir din niya ang mag-gym at magpapayat para bagay na bagay naman siyang mag-endorse ng naturang produkto. Pero bukod diyan, sisimula na rin ni Alden ang bagong programa niya sa GMA 7 na Centerstage, isang musical reality show tampok ang mga batang magagaling kumanta. SANYA NA-PRANING SA CORONAVIRUS SEE: Isa si Sanya Lopez sa napa-praning sa tumitinding…
Read MoreKUYA NAGSAING, NAKATULOG 6-ANYOS PATAY SA SUNOG
DAVAO Occidental – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki sa nangyaring sunog sa Brgy. Kisulad sa bayang ito. Kinilala ni Corporal Jun Glee delos Nieves, imbestigador ng Sta. Maria Municipal Police Station, ang biktimang si Harry Jay Yalon Banuelos. Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-11:00 nitong Huwebes ng gabi, nagsaing si Richan Lee, 10, kapatid ng biktima, sa kanilang kusina ngunit nakatulog dahil sa pagod. Dakong 2:00 ng madaling araw nitong Biyernes, nagising si Richan Lee dahil sa init ng apoy sa nagliliyab nilang bahay. Tinangka niyang iligtas…
Read MoreTEACHER WANNABE PATAY SA ROAD MISHAP
NORTH COTABATO – Patay on the spot ang isang 22-anyos binata na nag-a-apply sa pagkaguro matapos na mabangga ng isang SUV sa Barangay Poblacion 5 sa bayan ng Midsayap sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rod Pederick “Arjay” Dillera Hervas, residente ng Barangay Poblacion 5 ng nasabing bayan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi pagkagaling ng biktima sa isang lamayan kasama ng mga kaibigan. Habang naglalakad umano ang grupo nang magpasya silang umihi sa gilid ng daan. Ngunit bigla…
Read MoreMATATALO RAW SI MARCELITO POMOY SA ‘AGT: THE CHAMPIONS’ GRAND FINALS?
ALAM na nating lahat ng pasok na sa grand finals ng Season 2 ng “America’s Got Talent: The Champions” ang pambato ng Pilipinas na si Marcelito Pomoy. Gusto ko ba siyang manalo? Of course! Bakit naman hindi? Kailan ba ang grand finals? February 10 ng 8 pm sa sa America (Eastern Time), o umaga ng Febuary 11 sa atin. Pero ang results show ay February 17. All the while, akala ko ay LIVE ito. Hindi pala. Taped na pala ito noong latter part of 2019 pa. Sinabi ito sa akin…
Read MoreMARKUS ON JANELLA & JOSHUA: ‘I WISH THEM THE BEST!’
NAGKAROON ng espesyal na ugnayan sina Janella Salvador at Markus Paterson noong isang taon at kontrobersyal ang naging hiwalayan diumano ng dalawa. Ano nga ba ang tunay na namagitan kina Janella at Markus? “We’re good. I like it when it’s not straight. So let’s not set things straight muna,” makahulugang sagot ni Markus. Kay Joshua Garcia na nauugnay si Janella ngayon dahil naging malapit sa isa’t isa nang maging magkatambal sa teleseryeng ‘The Killer Bride’ na nagtapos kamakailan. “I don’t really need to talk to anyone about it. Like whatever…
Read MoreLUPANG SINASAKA, PINAG-AAGAWAN MAGSASAKA KINATAY NG SARILING PAMILYA
CAGAYAN de Oro City – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang magsasaka makaraang pagtulungan siyang pagtatagain ng kanyang sariling pamilya, kabilang ang sariling ama, kapatid, biyenan at pamangkin na menor de edad, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ni Major Valentines Baja, Lumbia Police Station commander, ang biktimang si Roland Soyawan, 43, habang ang mga suspek ay sina Rene Soyawan, 38, kapatid, asawa ni Rene na si Masia Soyawan, 35, ang ama nilang si Pedro Soyawan, 83, at menor de edad na pamangking lalaki, at pawang mga…
Read MoreNABABAHALA SA NCOV SEX WORKERS IWAS MUNA SA CHINESE
TAGUM City – Iniwasan muna ng sex workers ang pakikipagtalik sa mga Chinese na kustomer dahil sa takot na mahawa sa kinatatakutang sakit na 2019 Novel Coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD). Sinabi ni alyas Jessa, 21, nagtratrabaho bilang GRO o kilala sa tawag na “Angel of the Night” sa mga bahay aliwan ng lungsod, ikinababahala niya na madapuan siya ng 2019 nCoV kaysa magkaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) o Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS), dahil marunong na silang umiwas sa HIV sa pamamagitan ng paggamit ng condom habang nakikipagtalik sa…
Read More