Maaaring ngayon lamang narinig ng ating mga kababayan ang bansag na “Beteranong OFW.“ Ito ay katagang ginagamit ng ating mga kabayani para tukuyin ang mga dating Overseas Filipino Workers (OFW) na karamihan sa kanila ay nagretiro na. Kasama rin sa hanay na ito ang OFWs na nagkasakit, naparalisa at naratay nang tuluyan habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang himutok ng mga kapwa advocates at OFW leaders ay kung bakit mas binibigyang halaga o pansin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga isyu sa distressed workers lalo na ang mga…
Read MoreAuthor: admin
BAGYO: DAPAT PAGHANDAAN UPANG MAGING LIGTAS
(ANN ESTERNON) Karaniwang binibisita ang bansa natin ng 20 mga bagyo kada taon. Normal iyan dahil napapalibutan tayo ng tubig. Sa madaling sabi rin ay ang bansa natin ay katabi ng Pacific Ocean (Dagat Pasipiko), kung saan nagaganap ang maraming warm at moist air na nabubuo at nagpapalakas ng bagyo. Sa pagbabantay ng bagyong dumaraan at mga pagbaha sa Pilipinas ay nasa pangangasiwa ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na dating tinawag na Philippine Weather Bureau. Ang naturang ahensya ay itinatag noong December 8, 1972 ni…
Read MoreANG GLORYA NG MALACAÑANG KAY SPEAKER GLORIA
Isang mahalagang aspeto ng programa ng kahit na anong pamahalaan ay ang pagpapasa ng mga bagong batas na nagbibigay ng dagdag na kita o naglalagay ng sistemang legal para maipatupad nito ang anumang programa nito, na inaasahan na magiging dahilan upang lalong umunlad ang bansa o bigyang lunas ang anumang problema na nagpapahirap sa taumbayan. Ang pinagmamalaki ni outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinasa nila ang mga pangunahing batas na ipinanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address o SONA nitong taong 2018. Ang unang-una na…
Read MoreRETENTION NG SUBCONTRACTOR IBALIK!
Misyon Aksyon, humihingi po ako ng tulong sa pamamagitan ng inyong kolum sa pahayagang SAKSI Ngayon na maalalayan ninyo ako sa dahilang halos dalawang taon na ang nakaraan mula nang natapos ang aking kontrata sa pabahay ng gobyerno sa may Mapulang Lupa Pandi, Bulacan. Ang developer po nito ay Atlantica Realty Development Corporation at ang kanilang opisina ay sa Suite 205 E&V Building #1039 Quirino Hi-way cor. Dumalay St., Novaliches. Hanggang sa ngayon ‘di ko pa nakukuha ang retention na back fee mula sa developer. Hindi katulad ng ibang mga…
Read MorePAG-INOM NG 25 TASANG KAPE, SAFE PA RIN SA PUSO
Bilang mga Filipino, isa tayo sa malakas kumonsumo ng kape. Malimit pa nito ay sa pag-inom ng iba’t ibang uri nito o may ibang halo na nabibili sa coffee shops. Taliwas sa sinasabi ng iba, ang pag-inom diumano ng maraming kape ay nakakasama sa ating kalusugan ngunit mayroong bagong pag-aaral ngayon kung saan nagpapatunay na ligtas ito sa atin. Ayon sa bagong pag-aaral, ang mga taong kumukonsumo ng hanggang 25 tasa ng kape sa bawat araw ay malayo sa peligro at hindi sila mapapahamak sa pagkakaroon ng heart attack. Ito…
Read MorePPO CONCERT SA UP LOS BAÑOS DINAGSA
Kamakailan ay dinagsa ang pagtatanghal ng Philippine Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton nina Maestros Herminigildo Ranera at Yoshikazu Fukumura sa University of the Philippines Los Baños Freedom Park sa Los Baños, Laguna. Ang outdoor concert na ito ay inihandog ng Cultural Center of the Philippines, sa pakikiisa ng University of the Philippines at Philippine High School for the Arts. Sa pagtatanghal na ito na pinamagatang “Symphonic Sunsets at Makiling”, ay itinampok ang Overture on Philippine Folksongs (George Bernard Green), Selections from Les Miserables (inayos ni Bob Lowden), Terre e Luna…
Read MoreMAGPASENSYAHAN MUNA
Umaaray na nang husto ang mga tao sa ilang mga bayan sa Rizal dahil sa pipe laying na isinasagawa rito ng isang kompanya para umano rin sa ikagaganda ng kanilang serbisyo sa kanilang mga consumer. Sa tingin natin ay tama lamang na magkaroon ng pipe laying kung kinakailangan lalo na ang makikinabang din nito ay mga libu-libong mga tao sa lugar o mahigit sa 150,000 kabahayan at hindi na maaapektuhan ng kakulangan ng suplay ng tubig. Pero natural din na hindi maiiwasan na may mga magrereklamo rito kaya tama ring…
Read MoreAGARANG AKSYON NG QC JUDGES SA DENGVAXIA CASE
MABILIS ang naging sagot ng ilang Quezon City judges sa mosyon ng Public Attorney’s Office sa pangunguna ni PAO chief Persida Acosta na i-consolidate ang ilang civil suits laban sa French drug maker Sanofi Pharmaceutical Inc. at distributor Zuellig Pharma Corp. na isinampa ng mga kamag-anak ng ilang bata na namatay makaraang maturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine. Isa lang ang naging tugon nina Branch 84 Judge Luisito Cortez, Branch 104 Judge Catherine Manondon, Branch 215 Judge Rafael Hipolito, Branch 100 Judge Editha Mina Aguba, Branch 220 Hose Paneda, at…
Read MoreOWWA NAGKALOOB NG TULONG KAY OFW EMERLITA GONZALES
Kahabag-habag ang naging itsura ng bangkay ni Emerlita Gonzales noong siya ay aking nakita habang inaayos pa sa punerarya ang kanyang mga labi. Magugunita na si Gonzales ay isa sa mga OFW na tumakas sa kanyang malupit na employer at tumakbo sa Bahay Kalinga sa konsulado ng Jeddah, Saudi Arabia at inatake sa puso na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Halos buong araw na inantay ng pamilya ang pagtunaw ng yelo na bumalot sa buong katawan ni Gonzales na nasa morge sa Saudi Arabia simula pa noong Enero. Halos magkatabi-tabingi…
Read More