BILANG pangako ng Bureau of Customs (BOC) na protektahan ang mga hangganan ng bansa, huli sa Manila International Container Port (MICP) sa tulong ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at Formal Entry Division (FED) personnel, ang 15 container vans ng refined sugar kamakailan. Ayon sa initial information, natuklasan na ang subject alerted shipment ay naka-consign sa Smile Agri Ventures Inc., at sinabing naglalaman ng Silica sand. Subalit sa isinagawang physical inspection sa Designated Examination Area, ang shipment ay natuklasang naglalaman ng refined sugar. Alinsunod…
Read MoreAuthor: admin 4
P240-M PEKENG PRODUKTO NASABAT SA BOC-PORT OF SUBIC
MATAGUMPAY na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Subic ang dalawang 40-foot container shipments na naglalaman ng iba’t ibang pekeng kalakal kamakailan. Kabilang sa mga nakumpiska ang mga pekeng Balenciaga, Louis Vuitton, Adidas, Calvin Klein, Under Armour, Lacoste, GAP, Nike, Zara, Reebok, at iba pang brands, na paglabag sa Intellectual Property Rights (IPR) regulations. Ang nasabing operasyon ay bunga ng pagsisikap na labanan ang paglabag sa intellectual property rights at protektahan ang karapatan ng lehitimong mga negosyo. Kasunod ng intelligence report na natanggap ni Port…
Read MoreSALISI ‘DI NAKAPORMA SA GINANG
CAVITE – Hindi nakaporma ang isang miyembro ng salisi gang sa dinudukutang ginang habang nakatakas ang dalawang kasabwat nito, sa loob ng isang pampasaherong bus sa Bacoor City noong Sabado ng gabi. Nasa kustodiya na ng Bacoor City Police ang suspek na si Teofilo Jay Bataan y Dagaas, 33, ng Bacoor City, habang kinilala naman ang dalawang kasamahan nito na natakas, na sina Julian Aniceto y Intos, 54, at Joan Gamboa y Batistil, 42, matapos ireklamo sa himpilan ng pulisya ng biktimang si Kimberly Gardose, 33, ng Brgy. Habay 1,…
Read MoreJOBLESS ARESTADO SA PAGNANAKAW
SWAK sa selda ng Manila Police district – Barbosa Police Station 14, ang isang 39-anyos na binata makaraang madakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified theft sa Sampaloc, Manila noong Biyernes ng hapon Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupaz, station commander, bandang alas-3:00 ng hapon noong Biyernes nang arestuhin ang suspek na si Jayson Gutierrez, jobless, ng Sampaloc, Manila. Inaresto ang suspek ng mga tauhan ni Police Captain Laureano Larry Daligdig, hepe ng Warrant Section, makaraang inguso ng impormante. Inirekomenda ng korte na makapaglagak…
Read MoreLALAKI HULI SA BARIL
NAHAHARAP sa kasong alarm and scandal at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang 29-anyos na lalaki makaraang maispatan ng mga tauhan ng Manila Police District Baseco Police Station 13, na nagwawala habang armado ng baril sa Baseco Compound Port Area, Manila noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Akmad Jaman, helper, ng Barangay 649, Baseco Compound, Port Area Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang magwala umano ang suspek habang…
Read MoreRAPE SUSPECT NASILO SA TONDO
ARESTADO ang isang 35-anyos na suspek sa dalawang beses na panggagahasa sa isang dalagita makaraang matunton sa Brgy. 254, Tondo, Manila noong Sabado. Kinilala ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang suspek na si Cornelio Gayo, tricycle driver, at residente ng Barangay 253, Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD, bandang alas-12:30 ng tanghali nang mamataan ang suspek sa nasabing lugar, matapos inguso ng impormante. Sa bisa ng arrest warrant na inisyu…
Read MoreMAYORYA NG PINOY PABOR NA MAKIPAGTULUNGAN SA US LABAN SA CHINA SA WPS ISSUE
NASA 75 percent ng mga Pilipino ang pabor na makipagtulungan ang gobyerno sa Amerika kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri batay sa survey ng Pulse Asia na kung saan tinanong ang mga respondent kung pabor silang palakasin ang military ties sa US sa gitna ng isyu sa WPS. Sa survey na isinagawa noong Hunyo, 75 percent ang nagsabing pabor sila dito habang 14 percent lamang ang tutol. “Ibig kong sabihin nagagalit na po ang ating mga kababayan sa China.…
Read MoreKAHIRAPAN TINUTUGUNAN NA NG PAMAHALAAN – ROMUALDEZ
INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pag-abswelto ng Marcos Administration sa mga utang ng mga magsasaka o “loan condonation” na umabot sa P57.56 bilyon ay isa lang sa pamamaraan ng pamahalaan para matulungang maiahon sa kahirapan ang 600,000 na magsasaka ng bansa. Kasabay nito, tiniyak rin ni Speaker Romualdez na marami pang programa ang pamahalaan na nakalinya para matugunan ang problema sa kahirapan. “Dati kasi, yung kinikita ng magsasaka natin ay napupunta lang sa pagbabayad sa utang dahil nakasanla ang lupa na sinasaka niya,” ayon pa sa…
Read MoreROMUALDEZ: BAGONG BATAS MAKATUTULONG SA PAGTAAS NG PRODUKSYON NG BIGAS
KUMPIYANSA si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mas darami pa ang produksiyon ng bigas sa bansa. Ito’y sa tulong ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act, kung saan nakasaad na ang lahat ng utang ng 610,054 agrarian reform beneficiaries mula sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na umaabot sa P58 bilyon, ay sasagutin na ng gobyerno. “I have a strong feeling that the new law would pave the way for our farmers to produce more rice, which is our basic…
Read More