(NI CHRISTIAN DALE) PINAHINTULUTAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng one-time service recognition incentive (SRI) na nagkakahalaga ng P10,000 kada isang kuwalipikadong empleyado ng gobyerno. Sa ilalim ng Administrative Order (AO) 19 na nilagdaan ni Duterte, ang pagbibigay ng SRI ay alinsunod sa implementasyon ng Joint Resolution 4 na tinintahan noong HUnyo 17, 2009, na pinapayagan ang pagpapalabas ng insentibo bilang rewards para sa mga loyal at exceptional financial at operational performance ng empleyado ng gobyerno. “Government employees deserve to be rewarded to recognize their collective and unceasing participation in…
Read MoreAuthor: Jet
P6.5-M SHABU, MARIJUANA NASABAT SA CLARK PORT
(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang 1.026 kilo ng shabu at marijuana na tinatayang aabot sa P6.5 milyon. Ayon sa report, ang marijuana ay nakalagay sa aquarium filter at dumating galing sa Czech Republic. Idineklara ng may-ari na “external aquarium filter” ngunit sa tulong ng K9 dogs ng BOC, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Customs examiners na ipadaan sa 100 percent eksaminasyon . Sa resulta ng ginagawang eksaminasyon at sa tulong ng BOC K-9, nakita sa loob ang dalawang plastic pack ng…
Read MoreKAMARA MAGBIBIGAY NG P10-M CASH INCENTIVES SA SEAG GOLD MEDALISTS
(NI ABBY MENDOZA) MAGBIBIGAY ng P10 milyon dagdag na insentibo ang mga miyembro ng 18th Congress para sa mga atleta na nakakuha ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games (SEAG), ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano. Ayon kay Cayetano ang nasabing halaga ay kukunin sa sahod ng mga mambabatas sa Enero 2020. Ang dagdag na cash incentives ay nakapaloob sa House Resolution 568 na isinulong nina Speaker Cayetano na siyang chair ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC); House Majority Leader Martin Romualdez; Deputy Speakers Paolo Duterte at…
Read MoreBLU BOYS NAMBOKYA
(NI VTROMANO) BINOKYA ng Philippine Blu Boys ang Singapore, 8-0, upang walisin ang eliminations ng 30th SEA Games men’s softball competition sa The Village sa Clark, Pampanga. Agad nagpakita ng lakas ang Pinoy batters laban sa Singaporeans nang magtala ng maagang 4-0 lead sa first inning at kumulekta pa ng apat na puntos sa fourth inning. Pinuri ni playing coach Apolonio Rosales ang kanyang manlalaro, lalo na sina pitchers Rey Aliling at Regan Parco. “Yung speed at control nila sa bola, 100 percent,” ani Rosales. Ito ang ikatlong sunod na…
Read MorePH, BEST SEA GAMES ORGANIZER
SA kabila ng mga aberya ilang araw bago ang pormal na pagsisimula ng 2019 South East Asia Games, kinilala ng Sports Industry Awards Asia ang Philippine South East Asia Games Organizing Committee (PHISGOC) bilang best SEA games organizer. Pinuri ng SPIA ang pagsisikap ng PHISGOC na makapaghatid ng anito’y “world class opening ceremonies” at maayos na pag-oorganisa sa 56 sports at 530 events sa 30th SEA Games. Ang SPIA Asia Awards, tinuturing na “most credible awards platform in Asia”, ang nangungunang sports business conference and awards platform sa Asya. Makaraan…
Read More56-ANYOS OPTIONAL RETIREMENT OK SA IKALAWANG PAGBASA SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala na nagbaba sa optional retirement age ng mga kawani ng pamahalaan sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 anyos. Sa oras na maisabatas ang House Bill 5509 ay aamyendahan nito ang RA 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997. Layunin ng panukala na maenjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya dahil sa maagang pagreretiro. Hangarin din ng panukala na gawing mabilis ang turnover ng mga posisyon sa…
Read MoreCAYETANO HAPPY SA MEDAL STANDING NG PINOY ATHLETES
(NI BERNARD TAGUINOD) HAPPY si House Speaker at Philippine Sea Games Organizing Committee chair Alan Peter Cayetano sa medal standing ng Pilipinas sa unang apat na araw ng 30th Southeast Asia Games. “So I’m happy about the count and praying talaga na we will succeed not only in hosting but also, our athletes will succeed in being overall champion,” pahayag ni Cayetano sa ambush interview. Habang isinusulat ito ay nakakuha na ang Pinoy athletes ng 103 medalya na kinabibilangan ng 51 gold, 33 silver at 19 bronze at malayo ang Vietnam…
Read MoreSENADO KIKILOS VS MANILA WATER, MAYNILAD
(NI DANG SAMSON-GARCIA) SUPORTADO ng mga senador ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat busisiin ang kontrata ng mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water Co. Ayon kay Senador Francis Tolentino, may oversight function ang Kongreso dahil sila ang nagbigay ng prangkisa kaya’t may kapangyarihan din silang busisiin ang pagtupad ng mga kumpanya sa kontrata. “As the one who gave the franchise, that’s part of the oversighy of Congress. Probably it will lead to that investigation,” saad ni Tolentino. “The President is always on the side of the…
Read MoreBIKTIMA NG BAGYONG TISOY PAUTANGIN NANG WALANG INTERES — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ni Albay Rep. Joey Salceda sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na pautangin nang walang interes ang mga biktima ng bagyong Tisoy, partikular na sa Albay na isa sa mga labis na nasalanta. Nais ni Salceda na katumbas ng anim na buwang sahod ang ipatutupad ng SSS at GSIS sa kanilang mga miyembro sa nasabing lalawigan upang magamit nila ito sa muli nilang pagbangon. Nabatid kay Salceda na nag-alok na umano ang Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig fund ng express home rehabilitation…
Read More