LALONG hindi kakayanin ng mahihirap na pamilya na magkaroon ng sariling bahay dahil imbes ibaba ang presyo ng socialized housing ay tinataasan pa ito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa pagdinig ng House committee on housing and urban development, kinuwestiyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang Joint Memorandum Circular No. 2023-003 ng Department of Housing and Urban Development (DHSUD) at National Economic and Development Authority (NEDA) na nagtataas sa presyo ng socialized housing. Mula sa kasalukuyang P1.7 na price ceiling magiging P2.5 million na ito matapos…
Read MoreAuthor: admin 5
SENADO IPINAGLULUKSA PAGPANAW NI EX-SEN. SAGUISAG
NAGPAABOT ng pakikiramay ang ilang senador sa pamilya ng yumaong si dating Senador Rene Saguisag na inilarawan nilang man of true honor, dignity and integrity. Sinabi ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na bagama’t isang termino lamang nagsilbi si Saguisag sa Senado ay nailaan nito ang buong buhay niya sa pagsusulong ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa bawat Pilipino lalo sa inisyatiba sa itinayong Free Legal Assistance Group. Kabilang anya sa isinulong na batas ni Saguisag ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R.A. 6713)…
Read MoreCAYETANO: IPALIWANAG ANG DIRTY ASHTRAY AWARD
PINUNA ni Sen. Pia Cayetano ang 34 miyembro ng delegasyon ng Pilipinas na dumalo sa World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) 10th Conference of Parties (COP10) noong Pebrero. Aniya, ito ang pinakamalaking delegasyon sa kumperensya, mas malaki pa sa China at Russia. “Bakit may kinalaman ito? Dahil ipinapalagay ko na ginugol ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ang kanilang pampublikong pondo. Nakakagulat at nagulat ako na kailangan nating magpadala ng napakalaking delegasyon,” sabi ni Cayetano noong Miyerkoles sa Blue Ribbon inquiry kaugnay ng paggawad sa…
Read MoreP5.1-M DROGA NASABAT SA SERYE NG OPERASYON SA CENTRAL VISAYAS
MAHIGIT P5.1 milyong shabu ang narekober ng mga awtoridad sa loob lamang ng isang araw sa Central Visayas nitong nakaraang Biyernes, April 19. Nasamsam ang droga na tinatayang nasa 762 gramo mula sa apat na suspek na ipinagharap na ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon kay Police Brigadier General Anthony Aberin, PRO7 Regional Director, ang malaking drug seizure ay resulta ng masusing pagpaplano at intelligence-driven operations na tumagal ng ilang linggo. “Ang pag-aresto at pag-agaw ay isang…
Read MoreDATING NPA MEMBER SUMUKO SA CAVITE
CAVITE – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at aktibong miyembro ng Gabriela Patungan Chapter, sa isang seremonya sa bayan ng Maragondon sa lalawigan noong Martes. Kinilala ang sumuko na si alyas “Josie”, dating miyembro ng NPA sa Barrio sa ilalim ng Platoon Silangan, SRMA 4C at aktibong miyembro ng Gabriela Patungan Chapter, sa ilalim ng Save Patungan Now Movement, affiliated sa PAMALAKAYA-Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang maisakatuparan ng Intelligence Operatives ng 401st A MC, sa ilalim ng superbisyon ni…
Read More20-ANYOS TIMBOG SA RAPE-SLAY SA BATANG BABAE
ZAMBOANGA DEL NORTE – Arestado ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na binata na sinasabing pumaslang sa isang 11-anyos na batang babae matapos na ito ay halayin sa Barangay Pangandao sa bayan ng Manukan sa lalawigan. Ayon sa Manukan Municipal Police Station, nakakulong na ang suspek na si Melvin Gumelok, naaresto sa isang liblib na lugar sa nasabing bayan, sa tulong ng mga impormante na nagturo sa kinaroroonan nito. Ayon sa pulisya, inamin ng suspek ang pagpatay sa biktimang Grade 4 student na si Janeth Upod na kanyang kamag-anak, ngunit…
Read More150 GADGETS SA CELLPHONE STORE TINANGAY NG HOLDAPER
LAGUNA – Nilooban ng apat na armadong holdaper ang isang tindahan ng mga cellphone at iba pang gadgets, sa national highway, Brgy. Bulilan Norte, sa bayan ng Pila sa lalawigan dakong alas-11:00 ng umaga nitong Martes. Matapos i-hostage ang mga nasa loob, nilimas ng hindi kilalang mga suspek ang tindang gadgets at saka mabilis na tumakas. Ayon sa babaeng may-ari ng pinasok na A & D Gadget shop, una nilang inakala na mga walk-in costumer ang apat na pawang nakasuot ng facemask nang dumating. Nang kanilang ipatanggal ang facemask ay…
Read More7 SUNDALONG SUGATAN SA SAGUPAAN, PINARANGALAN
PITONG miyembro ng Philippine Army na nasugatan sa madugong engkwentro sa pagitan ng ng mga tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) noong Lunes, ang pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Pinangunahan ni Major General Alex S. Rillera, commander ng 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, ang paggawad ng mga medalya sa pitong sundalong nasugatan. Isinagawa ang seremonya sa Camp Siongco Station Hospital sa Headquarters ng 6th Infantry Division, Camp Siongco, Awang, DOS, Maguindanao del Norte kung saan naka-confine ang mga sundalo at…
Read MoreThe Juans Live at Blue Bay Walk!
Filipino pop rock band The Juans takes the stage at Blue Bay Walk, Met Park on April 26, 2024, for a night of heartwarming concert experience. The Juans has amassed a strong following through the years with heartbreak anthems. Their viral “hugot to healing” songs “Hindi Tayo Pwede,” “Hatid,” “pwede ba kitang ligawan?” dominated the charts and streaming platforms alike. Tickets Blue Bay Walk and Met Live mall-goers have a chance to redeem free tickets for the one-night-only concert at The Garden of Blue Bay Walk. A minimum single-receipt transaction…
Read More