MY POINT OF BREW ni JERA SISON NOONG nakaraang linggo, tumambad sa balita at sa social media ang biglaang pagbagsak ng anim na poste ng Meralco sa Binondo, Manila. Ito ay sa kanto ng Quintin Paredes St. at Ongpin St., malapit sa makasaysayang Binondo Church. May tatlong sugatan at ilang sasakyan ang nasira dulot ng pagbagsak ng mga poste at kable. Ang Meralco ay puspusang humingi ng unawa at paumanhin sa nasabing aksidente. Nagsagawa sila ng pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Maynila upang gumawa ng masusing imbestigasyon kung ano…
Read MoreAuthor: admin 5
SEN. BONG GO PERSONAL NA INAYUDAHAN ANG MAHIHIRAP SA TANAY, RIZAL
TARGET NI KA REX CAYANONG TULOY-TULOY ang ginagawang pagtulong sa mga mahihirap ni Sen. Christopher “Bong” Go. Katunayan, dinala na ni Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang kanyang health initiatives para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng isang relief operation sa Tanay, Rizal. Sa kanyang pagdalaw doon, si Go na adopted son ng CALABARZON, ay sinamahan nina Governor Nina Ynares, Vice Governor Junrey San Juan, Board Members Boboy Bernados at Hector Robles, Mayor Lito Tanjuatco, at Vice Mayor Rex Tanjuatco. “Nagpapasalamat po ako kay Senator Bong…
Read More12AFGR COMMUNITY PROJECT MATAGUMPAY
DINUMOG ng mahigit sa 200 kabataan kabilang ang kanilang magulang ang masarap na arroz caldo na inihain ng 12th Air Force Group Reserve (12AFGR) na ginanap sa San Fernando De Dilao Parish (Paco Church) sa lungsod ng Maynila nitong Agosto 14, 2023. Alinsunod ito sa nilagdaang kasunduan o Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Advocates and Keepers Organization of OFW (AKO-OFW) Inc. na kinatawan ng kanilang National President na si Marcia Sadicon habang sa hanay ng 12AFGR ay kinatawan ni Group Commander na si LTC Donald Patrick Lim. Nilalaman…
Read MoreNAKATAKAS MULA SA NBI NASILO SA CAVITE
CAVITE – Nakaposas pa nang damputin ng mga tauhan ng Cavite police ang isang takas mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI), habang naglalakad sa Imus City noong Miyerkoles ng hapon. Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek na si Mark Anthony Clemente y Cerenio, 23, delivery rider, residente ng Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Nino Corroland ng Imus City Police, dakong alas-11:30 ng umaga nang mapansin ng barangay officials ng Malagasang I-E habang naglalakad na nakaposas ang suspek sa Malagasang Road, Imus…
Read MoreTIRADOR NG KABLE PATAY SA SEKYU
LAGUNA – Patay ang isang hindi kilalang lalaki matapos na barilin ng security guard ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) compound sa Brgy. Lewin, sa bayan ng Lumban sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Lumban police, nakita umano ng security guard na si Ruben Aninao Delos Reyes Jr., sa loob ng compound ang isang lalaki habang kinukuha ang nakaimbak na cable conductor electric wire ng NGCP. Bunsod nito, nagpaputok si Reyes ng warning shot patungo sa direksyon ng suspek ngunit nagulat siya nang…
Read More5 PATAY, 1 SUGATAN SA KILLER TRUCK
BULACAN – Lima katao ang agad namatay habang kritikal ang isa pa nang salpukin ng tractor truck ang sinasakyan nilang AUV sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Malipampang, sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling-araw. Kinilala ang mga namatay na pawang mga sakay ng AUV Toyota Innova na sina Nelson Magundayao, driver; Arlene Sipcon, Crispin Garcia Jr., Crisanto Garcia, at Christopher Lachica, habang nakaligtas naman si Jansen Grengia, 34-anyos. Nangyari ang insidente bandang alas-2:30 ng madaling araw na kinasangkutan ng Sino heavy tractor trailer truck…
Read MoreMALAKING PONDO NG DPWH SA FLOOD CONTROL PROGRAM, KINUWESTYON SA SENADO
KINUWESTYON ni Senador Francis Chiz Escudero ang napakalaking proposed budget para sa flood control program sa ilalim ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Sa budget briefing sa Senado, sinabi ni Escudero na ang P255 billion proposed flood control project ng DPWH ay mas malaki pa sa proposed budget ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at ng Department of National Defense o DND. Tanong pa ni Escudero na kung mahalaga ang food security at ang agrikultura sa gobyerno, bakit mas malaki pa rin ang pondo…
Read MorePONDO PARA SA 4Ps ITINAAS SA P112-B SA 2024
MAKAKUKUHA ang ‘flagship poverty alleviation initiative’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mas malaking alokasyon sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2024. Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD ay makakukuha ng alokasyon na P112.8 bilyong piso. Ang budget ng 4Ps sa susunod na taon ay mas mataas ng P10.23 billion kumpara sa P102.61-billion budget na natanggap ng programa sa 2023 General Appropriations Act (GAA). Ang nasabing halaga ay mapakikinabangan ng…
Read MoreApela ng Taguig: KASINUNGALINGAN, DISIMPORMASYON TIGILAN NA
NANAWAGAN ang pamahalaang lungsod ng Taguig na tigilan na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon kaugnay ng desisyon ng Supreme Court sa boundary dispute nito sa lungsod ng Taguig. Pahayag ng Taguig na nakapaskil sa kanilang Facebook page: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐫𝐞𝐦𝐞 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭 𝐃𝐞𝐜𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐢𝐬 𝐬𝐞𝐥𝐟-𝐞𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠. 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐠𝐞𝐧𝐜𝐢𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐯𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐢𝐞𝐝 𝐜𝐨𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐛𝐥𝐲 𝐭𝐨 𝐥𝐚𝐰. Narito ang kabuuang nilalaman ng nasabing post: 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐝𝐨𝐞𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐧𝐞𝐞𝐝 𝐚 𝐖𝐫𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐭𝐨 𝐞𝐱𝐞𝐫𝐜𝐢𝐬𝐞 𝐣𝐮𝐫𝐢𝐬𝐝𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐅𝐨𝐫𝐭 𝐁𝐨𝐧𝐢𝐟𝐚𝐜𝐢𝐨 𝐌𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐩𝐚𝐫𝐜𝐞𝐥𝐬 𝟑 𝐚𝐧𝐝 𝟒 𝐨𝐟 𝐏𝐬𝐮-𝟐𝟎𝟑𝟏. 1. The dispositive portion of the Supreme…
Read More