PI handang buhayin kapag binasura eco Cha-cha KAMARA AYAW TANTANAN PAGKALIKOT SA KONSTITUSYON

(BERNARD TAGUINOD) TULOY sa planong pag-amyenda sa Konstitusyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya handa itong buhayin ang isinantabing People’s Initiative sakaling hindi ipasa ng Senado ang bersyon nila ng economic Charter change. Ayon sa isang lider ng Kamara, ibalik na lang ang People’s Initiative kung ayaw ng mga senador sa economic Cha-cha. Ngayong araw ay nakatakdang ipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na sasabayan ng malakihang kilos protesta ng anti-Cha-cha group sa Batasan Pambansa. Gayunpaman, hindi pa tapos ang…

Read More

PH-US ECONOMIC, DEFENSE TIES PALALAKASIN NG BLINKEN VISIT

KUMPIYANSA ang Pilipinas na ang pagbisita ni United States (US) Secretary of State Anthony Blinken ay magreresulta ng mas lalong pinalakas na economic at defense cooperation ng dalawang bansa. Tinukoy ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na walang inaasahang kasunduan sa pagbisita ni Blinken sa Maynila subalit mayroon namang talakayan ukol sa kasalukuyang kalagayan ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Sa isang kalatas na ipinalabas ng PCO, sinabi ni Manalo na ang progreso ng…

Read More

Full blown investigation hirit sa AFP, Senado MARAMING SUNDALO NANG-AABUSO NG ASAWA

DAPAT magkaroon ng full blown investigation ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging ang Senado kaugnay sa mga pag-abuso ng ilang sundalo sa kanilang mga asawa at pamilya. Ito ang binigyang-diin ni Ginang Tessa Luz Aura Reyes Sevilla, asawa ni General Ranulfo Sevilla sa gitna ng patuloy niyang pagharang sa confirmation sa promosyon nito. Sinabi ni Ginang Sevilla na hindi lamang siya ang nag-iisang asawa na nakararanas ng pang-aabuso kundi marami pang ibang maybahay. Subalit ang problema anya ay ang sistema ng AFP dahil tila hindi nila nabibigyan…

Read More

Crime rate tumataas sa Marcos admin ADIK, PUSHER NAGBALIKAN – ATTY. PANELO

TALIWAS sa pahayag ng Malakanyang na nabawasan ngayon ang krimen, sinabi ni Atty. Salvador Panelo na nangangamba na naman ang publiko dahil sa tumataas na krimen. Sa kanyang programa sa SMNI, sinabi ng dating Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson ng Duterte administration na naputol ang masigasig ng kampanya noon laban sa droga. “Ang hinahanap kasi ng tao, yung continuity ng drug war. Ang ginawa ng administration, sabi nila nag-concentrate kami sa rehabilitation. Mahina ang pagpapatupad dyan sa batas laban sa sindikato ng droga. Ay nagbabalikan ngayon ang mga…

Read More

CONVENIENCE STORE SA BACOOR, HINOLDAP

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang dalawang kalalakihan na nangholdap sa isang convenience store sa Bacoor City, noong Lunes ng madaling araw. Ayon sa ulat, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang pumasok ang dalawang suspek sa convenience store sa Brgy. Molino 6, Bacoor City, Cavite at nagpanggap na mga customer. Ilang sandali lang ay nilapitan ng mga suspek sina alyas “Angel”, 24, at “Angelo”, 20, kapwa service crew, tinutukan ng ice pick, at nagdeklara ng holdap saka kinulimbat ang tinatayang P15,000 cash na kita ng tindahan. Matapos ang insidente ay…

Read More

VAN SUMALPOK SA JEEP; DRIVER PATAY, 8 SUGATAN

ILOILO – Binawian ng buhay bago madala sa ospital ang driver ng isang van na sumalpok sa likuran ng nakaparadang pampasaherong jeep sa national road sa Barangay Mali-ao, sa bayan ng Pavia, sa lalawigan. Kinilala ng Iloilo PNP ang namatay na biktimang si Rogelio Lebuna, 50- anyos, residente ng Barangay Daan Banwa, bayan ng Lambunao. Ayon sa report ng Pavia PNP, Linggo ng gabi, tinatahak ng Nissan Urban na minamaneho ng biktima, ang Old Iloilo-Capiz Road ngunit sa hindi malamang dahilan ay bumangga ito sa likurang bahagi ng nakatigil na…

Read More

PUTOL NA KATAWAN NATAGPUAN SA CALAX

CAVITE – Isang naaagnas nang putol na katawan ng isang tao ang natagpuan sa isang kanal sa loob ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX na sakop ng bayan ng Silang sa lalawigan, noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi nang madiskubre ng isa sa personnel ng CALAX, ang agnas nang human torso sa isang canal sa loob ng CALAX sa Brgy. Kaong, Silang, Cavite. Agad naman itong ipinaalam sa pulisya na nagsasagawa ng imbestigasyon upang mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima. Samantala, natagpuan naman ang bangkay ng isang…

Read More

BATA PINATAY NG AMA BAGO NAGBIGTI

DAVAO CITY – Pinatay sa taga ang isang batang lalaki ng kanyang ama bago nagbigti ang huli noong Linggo ng gabi sa Purok-12, Sitio Quimasog, Barangay Marilog, sa lungsod. Kinilala ang biktimang si “Dodong”, 10-anyos, habang ang ama ay si Norgued Empic Patubo. Ayon sa Davao City Police Office, nakita ng 16-anyos na kapatid nang pagtatagain ang biktima ng kanilang ama pasado alas-11:00 ng gabi habang natutulog ang bata. Subalit dahil sa takot ay tumakbo ito palayo sa kanilang bahay. Nang dumating ang mga awtoridad, nakaalis na rin ang suspek…

Read More

PPP EXHIBIT: PINOY PHOTOGS PARA SA KAPAYAPAAN

SA gitna ng bantang destabilization plot at patuloy na armadong tunggalian sa kanayunan ay mas nararapat na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan. Ito ang mensahe ng Press Photographers of the Philippines (PPP) kasama ang imbitasyon sa mga mag-aaral na dumalo sa photo exhibit na gaganapin sa Marso 25, mula 10:00 am hanggang 2:00 pm sa National Press Club (NPC) grounds sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila. Sa eksibit na ito na pinamagatang “Give Peace A Chance,” matutunghayan ang mga litratong kuha ng mga beteranong photojournalist na nakasaksi ng aktwal na sagupaan…

Read More