NFA HIHIGPITAN SA PAGBEBENTA NG BIGAS

MAPIPILITAN ang Kongreso na amyendahan ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law dahil sa anomalya sa National Food Authority (NFA) na nagbenta ng bigas sa pribadong negosyante at ikinalugi ng gobyerno. Sa isang panayam, sinabi ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones na kailangang amyendahan ang nasabing batas dahil sa nangyayari ngayon sa mga magsasaka at maging ang anomalyang kinasasangkutan ni suspended NFA Administrator Roderico Bioco at mga kasamahan nito. Isa sa mga irerekomendang amendments sa nasabing batas ang pagsasaayos sa NFA upang hindi na maulit ang pagbebenta ng…

Read More

SAMA-SAMANG PROTESTA KONTRA CHA-CHA KASADO

NAGPAHAYAG ng suporta ang Makabayan bloc solons sa protestang ikakasa sa darating na Miyerkoles laban sa economic Charter change na niraratsada sa Kamara. “… suportado natin ang gaganapin sama-samang protesta ng iba’t ibang mga grupo sa darating ng March 20, last day of session, House of Representatives — 3 PM po ‘yan — para tutulan ang economic Charter change,” ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel. Inilarawan naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pagratsada ng Kamara sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 o economic Charter change…

Read More

PAGKAMATAY NG AKUSADO SA LAPID SLAY BINEBERIPIKA

IPINABEBERIPIKA ng Department of Justice (DOJ) ang kumakalat na pagkamatay umano ng isa sa mga akusado sa pamamaslang sa mamamahayag na Percy Lapid. “We are still looking into the veracity of these reports and will update the public as soon as we receive word from the NBI,” ayon kay DOJ Sec. Jesus Remulla kaugnay ng kumakalat na death certificate umano ni ex-BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta. Si Zulueta ay kapwa akusado ni dating BuCor Chief Gerald Bantag sa pamamaslang kay Lapid o Percival Mabasa. Sinasabing nasawi si Zulueta dahil…

Read More

3 ‘KAWATAN’ NG KABLE ITINUMBA SA BULACAN

Camp Gen. Alejo S. Santos, MALOLOS CITY – Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang San Ildefonso Police sa tatlong lalaking pinagbabaril at natagpuang walang buhay sa loob ng isang tricycle sa Barangay Basuit, San Ildefonso, Bulacan nitong Linggo ng umaga. Ayon sa report na ipinadala kay PCol. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), itinawag ng Barangay Basuit sa San Ildefonso Police Station ang tatlong lalaki na hinihinalang magnanakaw at biktima ng ‘salvage’. Agad nagtungo ang mga awtoridad sa itinurong lugar ng krimen at nadatnan ang tatlong hindi…

Read More

MWP SA 19 COUNTS NG RAPE, ARESTADO SA MINDORO

DUMAYO pa sa Sablayan, Occidental Mindoro ang mga operatiba ng Cavite Police upang isilbi ang warrant of arrest sa isang akusado na itinuturing na most wanted person (MWP) regional level, at may 19 counts ng rape, noong Sabado ng umaga. Hawak na ng Mendez Police ang naarestong suspek na si alyas “Larry”, nasa hustong edad, ng Brgy. Yapang, Sablayan, Occidental Mindoro. Ang pagkaaresto sa suspek ay bunsod ng natanggap na impormasyon ng Mendez Municipal Police Station na ang suspek ay nagtatago sa Sablayan, Occidental Mindoro. Dahil dito, bitbit ang warrant…

Read More

‘UZI’ ITINUMBA NG TANDEM

DEAD on Arrival sa Jose Reyes Memorial Medical center ang isang 26- anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa panulukan ng Yuseco at Katamanan Streets, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Zedric Teodoro, may live-in partner at naninirahan sa nasabing lugar. Samantala, patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya sa tumakas na riding in tandem na armado ng .45 kalibreng baril. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-9:10 ng gabi nang…

Read More

KOTSE SINALPOK NG MOTORSIKLO, 2 PATAY

BULACAN – Patay ang dalawang rider ng motorsiklo makaraang salpukin ng isang kotse na nag-counterflow sa Manila North Road (MacArthur Highway) sa Barangay Borol 1st, sa bayan ng Balagtas, sa lalawigan nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ronald Arevalo, driver ng motorsiklo, at Christian Caluag, 32-anyos. Sugatan naman ang sakay ng kotse na mag-amang sina Willard Kent Silverio, 28, at Louie Dane, 10-anyos. Base sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-12:10 ng umaga nang mangyari ang insidente habang sakay sina Arevalo at Caluag sa motorsiklong may…

Read More

DOH KINALAMPAG SA HEA NG HEALTH WORKERS

MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng health workers para ilabas na ng Department of Health (DOH) ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng health workers sa bansa. Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinagawa ng grupo ng health workers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan at taon na pagkakautang sa kanila. “Ang pondo ay nasa inyo na (DOH) mula noong Enero. Ano ang dahilan kung bakit hindi ninyo naibigay ang HEA para sa mga manggagawa sa pribadong ospital?” ayon kay Ronald…

Read More

PUBLIKO HAHATOL SA TAGUMPAY NG BAGONG PILIPINAS – SOLONS

TALIWAS sa patutsada ng ilan na wala umanong saysay ang Bagong Pilipinas campaign, isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang obserbasyon ng mga kinatawan ng Kamara de Representantes Ayon sa mga kongresista, ang dapat tanungin ng mga kritiko ay ang mga taong nakinabang sa bilyun-bilyong pisong halaga ng cash assistance at livelihood program na dala ng Bagong Pilipinas campaign. Sa pulong balitaan sa Kamara noong Huwebes, ipinagtanggol nina Deputy Majority Leaders Erwin Tulfo at Janette Garin, kasama si Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang programa…

Read More