PAGSASANIB NG 3 BIG ENERGY COMPANIES ‘GINUGULO’ NG P4P

INAASAHAN na magdudulot ng mas malinis at sustainable na enerhiya sa bansa ang pagsasanib-pwersa ng tatlong malalaking kumpanya na may kinalaman sa kuryente ngunit binubulabog ito ng isang grupo. Kamakailan, inanunsyo ang pagsasanib-pwersa ng Meralco PowerGen Corporation (MGen), Aboitiz Power Corporation (AP) at San Miguel Global Power Holdings Corp. (SMGP), ang tatlong pinakamalalaking kumpanya pagdating sa sektor ng enerhiya para sa integrated liquefied natural gas (LNG) facility sa Batangas. Napag-alaman na target ng pagtutulong-tulong ng tatlong bigating kumpanya sa bansa na pag-ibayuhin ang mga programa tungo sa mas malinis at…

Read More

LUPANG INI-AWARD SA MGA MAGSASAKA, BINAWI DAHIL SA ILEGAL NA PAGBENTA

BISTADOR ni RUDY SIM SA tuwing mayroon tayong nakikitang mga maralitang kababayan natin na halos nakikipagpatayan sa mga tagasunod lamang ng batas upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa mga lugar na kailangang i-demolish, ay naaantig ang ating damdamin ngunit hindi lahat ay biktima ng kalupitan kundi sila mismo ay biktima ng sindikato na sinasamantala ang kanilang kahinaan upang ang lupang ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno ay ibenta na mahigpit na ipinagbabawal sa batas. Ganito ang nangyari sa isang demolisyon na ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Angeles City, Pampanga, matapos…

Read More

NASAAN ANG P10.3-B PONDO NG CHED?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO WIKA ng pambansang bayaning si Gat Jose Rizal, kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero sa nangyayari sa kasalukuyan, tila malabo na yan lalo pa’t tila tinalikuran na ng pamahalaan ang pagtataguyod ng edukasyon sa hanay ng mga kabataan. Sa nakalipas na dalawang taon, nasadlak sa dusa ang mga estudyanteng pinangakuan ng libreng edukasyon sa ilalim ng programang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) ng Commission on Higher Education (CHED). Pano naman kasi, itinengga ng CHED ang pagbabayad sa mga kolehiyo at pamantasan kung…

Read More

PANGAKO NINA PBBM, SP ZUBIRI AT CONG. AMBEN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA ulat ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ibinahagi niya ang layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisama sa 2025 Midterm Elections ang plebesito para sa Economic Cha-Cha. Ayon sa pahayag ni Zubiri, ito ay naganap sa isang pribadong pulong ng mga senador kasama ang Pangulo sa Malacañang. Batay sa paliwanag ni Zubiri, kung gagawin ang plebisito bago ang eleksyon, umaabot ito sa P12-bilyon hanggang P14-bilyon na gastos ng gobyerno. Dahil dito, wala raw makitang rason ang Senate president na madaliin ang proseso ng pagtalakay…

Read More

HIGIT 8-M SAKONG BIGAS BINENTA NANG WALANG BIDDING

MATAGAL nang nagbebenta ang National Food Authority (NFA) ng bigas sa private rice traders nang walang bidding. Isa ito sa mga lumabas sa unang araw ng imbestigasyon ng House committee on agriculture and food sa tinaguriang rice scam na naging dahilan kaya pinatawan ng anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman ang 139 opisyales at empleyado ng NFA sa pangunguna ni Administrator Roderico Bioco. Sa pagtatanong ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee, inamin ni NFA assistant administrator John Robert Hermano na mula 2021 hanggang 2023 ay umaabot sa…

Read More

SUPORTA NG SENADO SA PNP, TINIYAK

TINIYAK ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na ibibigay ng Senado ang lahat suporta para sa pangangailangan ng police force. Sa kanyang speech sa 44th Grand Alumni Homecoming of the Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite, pinasalamatan ni Zubiri ang pwersa ng pulisya sa kanilang kontribusyon para mapangalagaan ang kapakanan ng taumbayan. Binigyang-diin pa ni Zubiri na maging ang Senado ay nakinabang sa kagalingan ng mga police officers na naging senador katulad nina Robert Barbers, Ping Lacson, Fred Lim…

Read More

ALEGASYON NG ILANG OFWs, DAPAT SAGUTIN NI QUIBOLOY

DAPAT sagutin ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang mga akusasyon sa kanya ng mga overseas Filipino workers (OFW) na sapilitan umanong kinukuha ang kanilang mga sahod bilang donasyon sa organisasyon. Ito ang binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros matapos ang pagharap ni Reynita Fernandez, isang OFW based sa Singapore, na nagsabing halos 90% ng kanilang sahod ang napupunta kay Quiboloy. “Araw-gabi kumayod ang mga OFW, tapos imbes na mapunta sa pamilya nila ang pinagtrabahuan nila, pilit silang hinuhuthutan ni Quiboloy. Di na nga nakukuha ang sweldo nila,…

Read More

LAS PINAS NAKIISA SA FIRE PREVENTION MONTH

PINANGUNAHAN ni Senator Cynthia Villar kasama ang Bureau of Fire Protection ng Las Piñas City ang fire safety seminar at drill demonstration kamakalawa. Kaugnay ito sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa”. Lumahok sa aktibidad ang mga residente mula sa iba’t ibang barangay. Layon nitong magkaroon ng mga pamantayan sa kaligtasan at mga hakbang sa pag-iwas upang mabawasan ang sunog sa kanilang mga tahanan at komunidad. (DANNY BACOLOD) 210

Read More

GINANG PATAY SA KAGAWAD

BATANGAS – Patay ang isang 51-anyos na ginang matapos barilin ng isang kagawad sa Brgy. Pag-olingin West, Lipa City, noong Sabado ng hapon. Kinilala ng Lipa City Police ang biktimang si Marilyn Escartin, taga San Juan, Batangas. Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon, naglalakad ang biktima nang lapitan ito ng suspek na kinilala sa pangalang “Joey”, kagawad ng Brgy. Pag-olingin East, armado ng maiksing kalibre ng baril, at ilang beses na pinaputukan ito. Mabilis na tumakas ang kagawad matapos ang pamamaril habang hindi na naisugod sa ospital…

Read More