TINIYAK ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na ibibigay ng Senado ang lahat suporta para sa pangangailangan ng police force.
Sa kanyang speech sa 44th Grand Alumni Homecoming of the Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite, pinasalamatan ni Zubiri ang pwersa ng pulisya sa kanilang kontribusyon para mapangalagaan ang kapakanan ng taumbayan.
Binigyang-diin pa ni Zubiri na maging ang Senado ay nakinabang sa kagalingan ng mga police officers na naging senador katulad nina Robert Barbers, Ping Lacson, Fred Lim at ngayon ay si Sen. Bato dela Rosa.
“The fact of the matter is that as legislators and law enforcers, we have to work hand-in-hand. Whatever instruments we wield, whether it be guns or pens, our goal is the same: to protect and uplift our communities and the whole nation,” paliwanag ni Zubiri.
“To this end, the Senate has endeavored to develop legislation in support of the evolving needs of the police force,” dagdag pa ng senate leader.
Ipinagmalaki pa ni Zubiri ang iba’t ibang batas at panukala na kanilang isinulong para sa PNP.
Kabilang na dito ang Republic Act No. 11549 o “Height Equality Act” na nagbababa ng height requirement hindi lamang sa police recruits kundi maging sa mga firefighters at jail and corrections officers.
Tinukoy din ang pagkakapasa sa 3rd and final reading ng PNP Organizational Reforms Act na naglalayong i-update ang mga lumang structures ng PNP at palakasin at i-streamline ang leadership, organization at management.
Naipasa na rin ang panukalang Jail Integration Act, na naglalayong ilipat ang pamamahala sa provincial and sub-provincial jails mula sa mga lokal na pamahalaan patungo sa ilalim ng BJMP.
Kahanay anya ito ng Heinous Crimes Facility Act na naipasa noong 18th Congress at napondohan ngayong taon.
Binanggit din ng senate leader ang committee report para sa BFP at BJMP Rank Classification Act na isasalang na sa plenary debates.
Gayundin ang mga panukala para sa procurement ng mga armas tulad ng Government Procurement Reform Act at Self-Reliant Defense Posture Act.
Isinusulong din ang PNP Forensic DNA Database Act na makakatulong sa criminal investigation procedures.
(Dang Samson-Garcia)
