Ayaw matulog, ayaw ding magpatulog; ADIK SA ‘TALA’ TINARAKAN NG PUYAT NA PINSAN

AGAW-BUHAY ang isang security guard nang nang mapundi sa kasasayaw niya ng “Tala” ang pinsan niyang pahinanteng kasama rin sa bahay at araruhin ng saksak ang biktima sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Edwin Guiritan y Borja, 35, binata, ng Area C, Interville, Talipapa, Barangay 164, Caloocan City.

Kakasuhan ng frustrated murder ang arestadong suspek na si  Jonald Caligner y Borja, 40, ng kaparehong address.

Napag-alaman, puyat at pagod umano ang suspek galing sa biyahe kaya’t gusto nitong magpahinga ngunit ayaw paawat sa kasasayaw ng “Tala” ng biktima sa kanilang tinitirahang bahay kahit na ala-1:00 na ng madaling-araw.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa pag-uundayan ng saksak ng suspek ang biktima.

Itinakbo ang biktima sa Novaliches Medical Center ng pinsang si Arwin Caligner na sinabayan naman ng tangkang pagtakas ng suspek na nasakote sa follow-up operation.  (ALAIN AJERO)

205

Related posts

Leave a Comment