CAMARINES Norte – Balot ng putik ang katawan ng isang babae makaraang mag-dive umano sa putikan sa isang sakahan habang nagmamaneho ng motorsiklo, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Angelica Sorio, 28-anyos, residente ng Holiday Homes Subdivision, Daet, Camarines Norte.
Batay sa report ng Camarines Norte-PNP, natagpuan ang bangkay ng biktima habang nakalublob sa putikan kasama ang kanyang motorsiklo sa isang sakahan sa Maharlika Highway, Brgy. Lag-On, Daet, Camarines Norte.
Paniwala ng pulisya, posibleng habang binabaybay ng biktima ang nasabing lugar nang biglang mawalan ito ng kontrol sa manibela dahilan para mahulog sa sakahan at lumubog sa putikan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)
