BAGONG HEPE NG MANDALUYONG CITY MAHIGPIT

RAPIDO NI TULFO

MAY bagong upong hepe ang Mandaluyong City Police at ito ay P/Col. Cesar Gerente, pinalitan ni Col. Gerente si P/Col Gavin Unos na nanungkulan bilang hepe sa loob ng dalawang taon. Nahirang na “Best City Police Station” ang Mandaluyong City Police ng Eastern Police District sa ilalim ng kanyang pamumuno kung saan pinarangalan din si Col. Unos bilang “Best Senior Police Commissioned Officer for Administration.”

Kinilala naman ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr. ang kontribusyon ni Col. Unos sa kaayusan ng siyudad ng Mandaluyong sa turn-over ceremony na nangyari kamakailan lamang.

Hindi po alam ng inyong lingkod ang huling assignment ni Col. Gerente pero mukhang disciplinarian itong si Gerente. Dahil ayon sa impormasyon na aking natanggap, isa raw sa unang utos ni hepe ay batakin o ipahila sa towing ang mga police mobile na makikitang nakaparada sa ilalim ng “no parking sign” sa siyudad.

Ayon sa kuwento, may nadaanan si Col. Gerente na police mobile na nakaparada sa ilalim ng “no parking sign” ilang araw pa lang ang nakararaan matapos manumpa ito bilang hepe.

Hindi rin nakaligtas ang isang pulis-pasig kay Col. Gerante matapos magmatigas ito na hindi magbayad ng penalty matapos na mahila ang motor nito sa sidewalk.

Inis daw ang mga kapitbahay ng pulis-pasig sa kanya dahil maangas daw ito at mukhang ipinagmamalaki rin nito ang kanyang kasintahin na kagawad ng barangay sa kanilang lugar.

Kaya nga madami raw ang natuwa nang mahila ang motor nito na nakaparada sa ipinagbabawal na lugar.

249

Related posts

Leave a Comment