BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA

HALOS pare-pareho ang kahilingan ng bawat Pilipino ng matapos na ang nararanasang krisis ng buong mundo.

Buong taon nang 2020 ay sadyang nasadlak sa hirap ang nakararaming mga Pilipino.

Marami ang may mga kamag-anak na namatayan ng dahil sa COVID-19 virus. Marami rin ang nasawi sanhi ng ibang karamdaman ngunit hindi nakapag-pagamot ng dahil sa pandemya.

Sangkaterbang kumpanya at pabrika ang nagsara o huminto ang operasyon dahil sa pagbulusok ng merkado.

Kung kaya napakaraming mamamayan din ang nawalan ng trabaho.

Hindi nakaligtas sa krisis na ito ang napaka raming mga overseas Filipino w orkers (OFW).

Karamihan sa lubhang naapektuhan ay ang mga OFW na nagmula sa Gitnang Silangan.

Noong una nga ay tinatayang aabot sa mahigit 500,000 OFW ang posibleng uuwi sa Pilipinas dahil sa sabay-sabay na pagsasara ng mga kumpanya roon.

Sa panahon ng pan demyang ito nasubok ng husto ang kakayahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makatugon sa pangangailangan ng mga OFW.

Hindi naman napahiya ang OWWA sa malaking hamon na ito, sa katunayan, ang OWWA ang kauna-unahang tumugon para magbigay ng serbisyong angkop para sa ating mga bagong bayani.

Kabilang sa mga ginampanan ng OWWA ay ang mabilisang pakikipag-ugnayan sa Philippine Health Insurance Corp ( PhilHealth) upang masiguro na libre ang “mandatory” swab test para sa mga dumarating na OFW paglapag pa lamang sa NAIA.

Nagkaloob din ng libreng hotel accommodation na may libre pang pagkain para sa lahat ng mga OFW at minsan pa nga ay pati na rin sa mga kasamang miyembro ng pamilya ay nalibre na rin.

Matapos ang “quarantine period” ay libre rin na ipinagkaloob ng OWWA ang transportasyon pauwi sa mga probinsiya maging ito ay taga Visaya o Mindanao.

Bagaman noong sa simula ay nagkaroon ng aberya sa mga hotel na nagamit para sa mga OFW, ay agad naman itong naisaayos upang masiguro na kumportable ang bawat OFW sa kanilang pansamantalang paglalagi sa panahon na sila ay naka-quarantine.

Doble kayod ang mga kawani ng OWWA upang masiguro lamang na lahat ng OFW na darating ay mabibigyan ng pantay-pantay na serbisyo.

Sa kabuuan ay umabot na sa 383,974 ang mga OFW na tinulungan na makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya matapos ang kanilang mandatory quarantine sa mga hotels sa Maynila simula ng Mayo hanggang Disyembre 24, 2020.

Noong May 15-24 ay umabot sa 8,922, May 25-31- 25,002, June 1-7 – 8,902, June 8-14- 7,279, June 15-21 – 6,782, June 22-28 – 10,231, June 29-July 5- 9,113, July 6-12 – 10,163, July 13-19 – 10,501, July 20-26 – 11,546, July 27 – Aug 2- 11,630, Aug 3 – Aug 9- 11,384, Aug 10-Aug 16 – 17,085, Aug 17-Aug 23 – 14,968, Aug 24 – Aug 30-10, 964, Aug 31 – Sept 6- 12,945, Sept 7 – Sept 13- 14,014, Sept 14 – Sept 20- 11, 792, Sept 21 – Sept 27- 11, 512, Sept 28 – Oct 4- 12, 413, Oct 5 – Oct 11 – 12,791, Oct 12-Oct 18- 9,741, Oct 19 – Oct 25 9,528, Oct 26 – Nov 1 – 11,609, Nov 2 – Nov 8 15,764, Nov 9 – Nov 15 – 11,403, Nov 16 – Nov 22 – 12,509, Nov 23 – Nov 29 – 13,204, Nov 30 – Dec 6 – 14,750, Dec 7 – Dec 13 -16,149, Dec 14 – Dec 20 – 13,103, December 21 – 1,477, December 22 – 1,411, December 23 – 1,908, December 24 – 1,479.

Sa pagsisimula ng taon 2021, ay kasama sa dalangin ng AKOOFW na mabawasan na ang bilang ng mga OFW na uuwi sa Pilipinas ng dahil lamang sa nawalan ng trabaho.

Manumbalik na sana ang araw na kung saan ang mga OFW ay uuwi lamang sa Pilipinas upang maipagdiwang ang mahahalagang okasyon katulad ng pasko at bagong taon na kapiling ang kanilang pamilya.

183

Related posts

Leave a Comment