Bahay nawasak MAG-IINA KRITIKAL SA ‘SINTURON NI HUDAS’

CEBU – Pawang nasa malubhang kalagayan sanhi ng third degree burns ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang biglang sumabog ang ginagawa nilang Judas Belt o pinagsama-samang rebentador noong Huwebes ng gabi sa Barangay Babag sa Lapu-lapu City sa lalawigang ito.

Ang Barangay Babag ng Lapu-Lapu City ang tinaguriang Bocaue o “firecracker capital” ng Central Visayas.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nasa loob ng bahay ang mga biktima habang inaayos at pinagkakabit-kabit ang mga rebentador para gawing Judas Belt, nang biglang sumabog ang mga ito.

Sa lakas ng pagsabog ay halos nawasak ang bahay ng mga biktima

Halos nalapnos ang buong katawan ng isang13-anyos na binatilyo na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo.

Habang ang 31-anyos na ginang at 15-anyos na dalagita ay dumanas ng third degree burns sa halos 80 porsyento ng kanilang katawan. (JESSE KABEL)

708

Related posts

Leave a Comment