150 GADGETS SA CELLPHONE STORE TINANGAY NG HOLDAPER

LAGUNA – Nilooban ng apat na armadong holdaper ang isang tindahan ng mga cellphone at iba pang gadgets, sa national highway, Brgy. Bulilan Norte, sa bayan ng Pila sa lalawigan dakong alas-11:00 ng umaga nitong Martes.

Matapos i-hostage ang mga nasa loob, nilimas ng hindi kilalang mga suspek ang tindang gadgets at saka mabilis na tumakas.

Ayon sa babaeng may-ari ng pinasok na A & D Gadget shop, una nilang inakala na mga walk-in costumer ang apat na pawang nakasuot ng facemask nang dumating.

Nang kanilang ipatanggal ang facemask ay nagdeklara ng holdap ang mga ito.

Iginapos ng mga ito ang mga paa at kamay ng limang staff na nasa loob ng tindahan na tatlong babae at dalawang lalaki, at saka inutusang umupo sa isang sulok.

Binantaan pa umano ng mga suspek na babarilin ang sinomang magtatangkang tumayo at umalis.

Nilimas ng mga ito ang mga tindang cellphone na karamihan ay mamahaling brand.

Ayon sa may-ari, tinatayang 150 units ng cellphones at ilang laptops ang natangay ng mga suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

39

Related posts

Leave a Comment