2 PATAY SA PAMAMARIL SA MAGUINDANAO DEL NORTE

MAGUINDANAO DEL NORTE – Dead on the spot ang dalawang lalaking nakasakay sa isang multicab matapos tambangan sa Sitio Bangkwang, Barangay Datu Kilay, sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa lalawigan noong Huwebes ng tanghali.

Kinilala ng Maguindanao Del Sur Police Provincial Office ang isa sa mga biktima na si Rashied Lumanggal, taga Barangay Mirab, sa Upi, Maguindanao Del Norte.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa isa pang napatay na biktima.

Ayon sa report, mag-aalas-dose ng tanghali, sakay ang dalawang biktima sa asul na multicab at tinatahak ang barangay road patungo sa direksyon ng bayan ng Datu Saudi Ampatuan, nang sundan ang mga ito ng mga suspek na sakay ng hindi natukoy na sasakyan at pinaulanan ang mga ito ng bala.

Agad nalagutan ng hininga ang mga biktima dahil sa mga tama ng bala sa kanilang ulo at katawn.

Ayon sa imbestigasyon ng Shariff Saydona Mustapha Police, natagpuan sa sasakyan ng mga biktima ang isang .45 kalibreng baril at isang malaking plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Naka-full alert status sa kasalukuyan ang Shariff Saydona Mustapha Police at ang mga tauhan ng Philippine Army sa lugar habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

 

52

Related posts

Leave a Comment