LAGUNA – Umabot sa 26 katao ang naaresto sa ipinatupad na liquor ban sa lalawigan kaugnay ng Barangay at SK elections.
Bilang pagtalima sa COMELEC Resolution 10924, ipinatupad ng Laguna PNP ang liquor ban noong Oktubre 29 hanggang 30, 2023 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 26 na lumabag dito.
Ang mga naaresto ay mula sa mga bayan ng Pila, Victoria, Bay, Cavinti, at Calamba City.
Ang mga naaresto ay nahuli sa akto na umiinom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Ang mga lumabag sa naturang kautusan ay maaaring makulong ng mula isang taon hanggang anim na taon na hindi maaaring makakuha ng probation, base sa itinatadhana ng Omnibus Election Code.
(NILOU DEL CARMEN)
252