NASA 3,000 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Balagtas, Obando at Marilao sa lalawigan ng Bulacan ang nakatanggap ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong ni Senator Imee R. Marcos nitong Martes, Setyembre 12, 2023.
Personal na binisita ni Sen. Marcos ang nasabing mga munisipalidad para sa nasabing aktibidad katuwang ang DSWD kung saan kabilang sa mga ipinagkaloob ay AICS benefits, school bags and supplies para sa qualified residents dito.
Unang pinuntahan ni Sen. Imee ang Barangay Tawiran sa bayan ng Obando at 1,000 residente rito ang nabiyayaan ng tig-3,000 pesos at gamit pang-eskwela.
Kasunod ang Central School Sports Complex sa bayan ng Balagtas na pinagkalooban din ang 1,000 benepisyaryo ng kaparehong ayuda.
Huling tinungo ng senadora ang AFG Bernardo Memorial Trade School sa bayan ng Marilao at 1,000 ring residente rito ang nabiyayaan ng cash assistance at bag/school supplies.
Matapos ang AICS payout activity ay nagtungo na si Sen. Marcos sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Diliman, Quezon City para sa paglalagda ng Implementing Rules and Regulations ng New Agrarian Reform Act.
(ELOISA SILVERIO)
197