4 SENIOR OFFICERS APEKTADO NG PNP REORGANIZATION

APAT na ranking police officers ang napabilang sa pinakahuling reorganisasyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa ibinabang kautusan ni PNP chief, General Rommel Francisco Marbil, simula kahapon nagsimula nang manungkulan bilang direktor ng Directorate for Personnel and Records Management si PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director Major General Sidney Hernia.

Hinalinhan niya si Major General Belli Tamayo na sumapit na sa mandatory retirement age na 56-anyos noong Abril 18, 2024.

Pamumunuan naman ni Brig. Gen. Ronnie Francis Cariaga ang ACG kapalit ni Hernia, habang si Brig. Gen. Aligre Martinez ay aaktong acting director ng Police Regional Office 11 (Davao) at kapalit ni Brig. Gen. Alden Delvo.

Samantalang si Col. Aden Lagradante ay itinalagang officer in charge ng PNP Command Center na nasa ilalim ng Directorate for Operations.

Ito ang kauna-unahang balasahan na ipinag-utos ni PGen. Rommel Francisco Marbil sa hanay ng Pambansang Pulisya bilang bagong hepe ng PNP.

Magugunitang sinabi ni PNP chief Marbil sa kanyang kauna-unahang dinaluhan na pulong balitaan na hindi siya magpapatupad ng malawakang balasahan sa buong hanay ng pulisya, maliban na lamang kung mayroon itong mabigat na dahilan.

(JESSE KABEL RUIZ)

45

Related posts

Leave a Comment