70-ANYOS NA LOLA NIRATRAT NG KAALITAN

AGUSAN DEL SUR – Patay ang isang 70- anyos na lola matapos na ratratin ng armalite ng umano’y kaalitang lalaki sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Prosperidad sa lalawigan noong Sabado ng umaga.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Eufemia Pugahan matapos matadtad ng mga tama ng bala mula sa 5.56mm assault rifle.

Ayon sa report ng Prosperidad Police, mag-aalas-7:00 ng umaga, nakaupo ang biktima sa kanyang tindahan nang dumating ang 34-anyos na suspek na si Mike Guibao na ka-barangay ni Pugahan.

Pumasok umano ito at pinagbabaril ang biktima ng ilang beses saka mabilis na tumakas.

Mabilis namang na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at naaresto ang suspek.

Ayon kay Police Lt. Col Wilson Corpuz, hepe ng Prosperidad Municipal Police Station, inamin ng suspek ang krimen at sinabing nagawa niya ito dahil malaki ang galit niya sa matanda dahil naniniwala siyang ito ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.

Hindi naman idinetalye ng suspek kung paano namatay ang kanyang ina na ibinibintang sa biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

 

78

Related posts

Leave a Comment