ACT-CIS SINAGOT BANAT NI SEN. VILLANUEVA SA MGA PARTY-LIST

SINAGOT na ng nangungunang party-list sa Kongreso ang pagmamaliit ni Senador Joel Villanueva kamakailan sa mga party-list.

Sa panayam kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ng isang radio station kamakailan, sinabi nito na nagulat siya sa tirada ng senador sa mga party-list.

Ayon kay Cong. Tulfo, “nagulat lang ako at binanatan nya ang mga party-list dahil yung tatay niya na si Bro. Eddie Villanueva ay kasama namin sa party-list coalition”.

“Parang minaliit nya ang lahat ng party-list kasama na yung party-list nila na Cibac at si Bro. Eddie na tatay nya pa ang representante nila,” aniya.

Payo ni Cong. Tulfo kay Sen. Villanueva, “mag-usap siguro sila ng tatay nya kasi am sure nasaktan din ang mga constituents o supporters ng tatay”.

Paalala pa ni Tulfo, isang batas ang nagtatag sa party-list representation sa Kongreso para matignan ang kapakanan ng mga Pilipino na hindi nahahagip ng anomang distrito.

25

Related posts

Leave a Comment