AKYAT-BAHAY BULAGTA SA PULIS

CAVITE – Patay ang isang hinihinalang magnanakaw makaraang nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad matapos na looban ang isang bahay sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa mismong pinangyarihan ng insidente nalagutan ng hininga ang suspek na si John Brix Simpelo, nasa hustong edad, ng Brgy. Manggahan, Gen. Trias City, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ulat ni Corporal Jochel Dayumat ng Gen. Trias City Police, pinasok ng suspek ang bahay ni Paul Aries Villalobos sa Brgy. Manggahan at tinangay ang ilang mahalagang gamit.

Agad namang nag-ulat sa pulisya ang biktima at sa pamamagitan ng closed circuit television (CCTV) camera ay nakilala ang suspek.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na

kinabibilangan nina Police Chief Master Sergeant Jones Casauran at Police Staff Master Sergeant Walter Salvador ng Manggahan Compac, dakong alas-12:25 ng madaling araw sa Sitio Tinunga, Brgy. Manggahan.

Ngunit natunungan ng suspek ang pagdating ng mga awtoridad kaya nakipagpalitan ito ng putok na nagresulta sa pagkamatay nito.

(SIGFRED ADSUARA)

128

Related posts

Leave a Comment