Aminadong tumaas bilang ng smuggling CUSTOMS NGANGA SA 2 BUGATTI

AMINADO ang Bureau of Customs na tumaas ang bilang ng kaso ng outright smuggling.

Sa gitna na rin ito ng isyu ng dalawang Bugatti luxury cars na naipuslit sa bansa kamakailan.

Idinahilan ni BOC spokesman Vincent Philip Maronilla ang pagiging archipelago ng Pilipinas. Na-monitor aniya ng ahensya ang mga kaso ng smuggling sa pamamagitan ng “backdoor channels.”

Paliwanag niya, ang mga smuggler sa maliliit na barko ay nakikipagkita sa mga nasa malalaking barko sa karagatan.

Nag-trending sa social media ang dalawang Bugatti matapos makuhanan ng video noong nakaraang Nobyembre ng motorista kaya naalarma ang BOC.

Ayon sa ulat, namataan ang dalawang luxury cars na humaharurot sa Pasay, Pasig, Muntinlupa, at Cavite.

Dahil dito, nag-alok ang ahensya ng pabuya sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon patungkol sa dalawang smuggled super sports cars na sinasabing nagkakahalaga ng P330 milyon.

Isang linggo makaraan ang anunsyo ay isinurender ng may-ari sa BOC ang pulang Bugatti Chiron sports car.

Patuloy namang hinahanap ang isa pa.

Tanong ng mga netizen, sino’ng influential na tao ang nakapagpasok ng mga nasabing sasakyan sa bansa na hindi dumaan sa tamang proseso.

Giit nila na dapat managot ang mga tauhan ng ahensya na responsable sa smuggling.

Sa kabila nito, sinabi ni Maronilla na tiwala silang nasugpo ang mga aktibidad ng smuggling sa pamamagitan ng ilang mga operasyon.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

146

Related posts

Leave a Comment