BINAY NO SHOW PA RIN SA ELECTION RALLY KAHIT SA SARILING BALWARTE

SA kahuli-hulihang campaign rally para sa 2022 national elections ay no show pa rin si dating Vice President at senatorial bet Jejomar Binay kahit pa sa Leni-Kiko miting de avance na ginanap sa sarili nitong balwarte sa Makati City.

Ipinaliwanag ng isang political analyst na mahalaga ang pagdalo sa mga campaign rally lalo na sa miting de avance dahil ito na ang pag-consolidate sa buong kampanya ng isang kandidato.

“Maliban na lamang kung may seguridad na ang isang kandidato na mananalo sya ay importante talaga na dumalo ang mga kandidato sa miting de avance, ang logic kasi dyan ay pagpapakita kung ano ang stand mo at prinsipyo,” pahayag ni political analyst Mon Casiple.

Kasunod ng hindi pagsipot ni Binay sa Makati rally ay nag-trending sa social media partikular sa Tiktok ang #NasaansiJojoBinay.

Inasahan ng marami na magpapakita si Binay bilang balwarte nito ang lugar na pinagdausan ng miting de avance at sa harap na rin ng alegasyon laban sa kanya na “unfit” siyang maging senador.

Isang manifestation ang inihain kamakailan sa Commission on Elections (Comelec) na kinukuwestiyon ang mental capability ni Binay matapos lumabas ang balitang nakararanas ito ng early signs ng dementia sa edad na 79.

Sinabi ni Ex-Owwa Deputy Administrator Mocha Uson na ang hindi pagdalo ni Binay sa mga rally at hindi aktibong pangangampanya ay posibleng dulot na rin ng kanyang sakit. Hinamon nito ang dating Pangalawang Pangulo na huwag ‘onsehin’ ang taumbayan at ilantad ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.

Ang dementia ay isang progressive disease na sa una ay hindi pansin ang sintomas na pagiging makakalimutin subalit habang tumatagal ay lumalala ang ganitong kondisyon. (ABBY MENDOZA)

276

Related posts

Leave a Comment