CARETAKER TINAGA SA BOUNDARY NG LUPA

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang caretaker ng lupa matapos tagain ng isa ring katiwala ng katabing lupa sa Sitio Kulasisi 3, Brgy. San Luis, sa lungsod noong Sabado ng gabi.

Idineklarang patay sa Antipolo City Hospital System Annex 3 – Cabading ang biktimang si Samuel Selajes dahil sa mga tama ng taga sa ng katawan.

Ayon sa report ng Antipolo City, dakong alas-6:30 ng gabi nang magkainitan ang biktima at ang suspek na si alyas “Roperto.

Nagtalo umano ang dalawa hinggil sa boundary ng magkatabing lupa na kanilang pinamamahalaan.

Napikon si Roperto hanggang sa tagain ng jungle bolo ang biktima.

Agad namang nadakip ang suspek na nakapiit na sa Antipolo Police Station locked-up cell at nahaharap sa kasong homicide.

(NILOU DEL CARMEN)

140

Related posts

Leave a Comment