CHINA’S FRIENDS FOR HIRE, TROLLS DARAMI SA TRANSPARENCY STRATEGY NG PH

NANINIWALA ang pamahalaan na magsisimula nang magsulputan ang pro-China Trolls at media influencers at mga friend for hire ng China dahil napatunayang epektibo ang transparency strategy ng administrasyon Marcos.

Ayon sa Philippine Coast Guard, at National Task Force-West Philippine Sea, inaasahan na ang biglang pagdami ng tinaguriang pro-China trolls at kilalang influencers sa social media dahil sa epektibong paglalahad ng gobyerno ng Pilipinas sa ginagawang illegal actions ng China sa West Philippine Sea at pangha-harass kahit sa maliliit na mga mangingisda.

Inihayag ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ginagamit na ng Beijing ang iba’t ibang social media platforms at kanilang bayarang trolls para salungatin ang transparency initiative ng Pilipinas at lituhin ang isip ng sambayanang Filipino.

“The approach now of China to counter the transparency strategy of the PH government, particularly the NTF-WPS, is to carry out information operations to have more trolls and pro-China mouthpieces para magkaroon ng maling impormasyon ang mga Pilipino and for them to divide our country and not be united against China.”

Sinabi pa ng taga pagsalita na: “The reason why there’s a possibility na tataas ang pro-China trolls ngayon is because we know for a fact na simula nang we started the transparency strategy sa WPS, we have become very effective in educating the Filipino people and sharing the right information to the international community.”

Ibinigay na basehan ng Coast Guard ang 7 sa bawat sampung Pinoy o mahigit 70% ng mga Filipino ay sumusuporta sa hakbang ni Pangulong Bongbong Marcos na ilantad ang ginagawang harassment at panggigipit ng China sa WPS.

Bunsod nito, namulat din ang international community at dumarami na ngayon ang lantarang nagpapahayag ng pagpabor sa Pilipinas at sumusuporta AFP modernization.

Bago magtapos ang taong 2023, tumaas ang approval rating ni BBM base sa pag-aaral ng Octa Research Group, lumobo rin ang bilang ng mga Pilipino na pumapabor sa assertive stance nito, sa pagharap sa China hinggil sa South China Sea issue.

Mula sa 58% umakyat pa ito ng 15 punto, ayon sa Octa Research.

“This represents a significant 15-point increase from the 43% recorded in the second quarter.”

Mayorya rin ng mga Pinoy ang pabor sa dual approach na “diplomacy and military action” sa paggiit sa karapatan ng Pilipinas sa territorial rights sa West Philippine Sea.

“Diplomacy was favored by 70% to secure territorial claims, while 65% backed military measures, including ‘expanded naval patrols and troop presence’,” ayon sa nasabing-pag aaral
Umakyat din sa 62 porsyento ang pabor sa pagpapalakas ng military defenses ng bansa, pagsasagawa ng joint maritime patrols kasama ang mga kaalyadong bansa gaya ng U.S.

(JESSE KABEL RUIZ)

35

Related posts

Leave a Comment