CONGRESSMEN GUSTONG MAGKASAL

ISANG panukala ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para payagan ang mga congressman na magkasal ng kanilang mga constituent lalo na’t laging iniimbitahan naman umano ang mga ito sa mga okasyon sa kanilang distrito.

Sa House Bill (HB) 921 na inakda ni Batangas Rep. Mario Vittorio Mariño, nais nitong paamyendahan ang Title 1, Chapter 1, Article 7 ng Executive Order No. 209 o Family Code of the Philippine para payagan ang mga incumbent congressman na magkasal.

“This proposed measure also aims to provide our constituents with another option for a less expensive, convenient and practical means to enter into marriage,” ayon sa explanatory note ng mambabatas sa kanyang panukala.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang mga congressman, congresswoman ay karaniwang iniimbitahan sa barangay o town fiesta at iba pang okasyon tulad ng birthday celebration, binyag, kasal at maging sa libing ng kanilang mga constituent.

Gayunpaman, walang kapangyarihan ang mga ito na magkasal dahil base sa kasalukuyang batas, tanging ang mga judge, mayor, pari, rabbi, at ministro ng ibang relihiyon ang pinapayagang magkasal.

Nakasaad din sa batas na puwedeng magkasal ang Consul o Vice Consul sa mga Filipino na nasa ibang bansa at maging ang chief captain ng barko, piloto ng eroplano at mataas na opisyal ng sundalo subalit sa isang emergency situation katulad ng kung nasa bingit ng kamatayan ang ikakasal.

Walang sinasabi sa batas na pwedeng magkasal ang incumbent congressman kaya nais ni Mariño na amyendahan ang nasabing batas upang isama sila sa mga tinatawag na “solemnizing officer”.

“This proposed measure also aims to provide our constituents with another option for a less expensive, convenient and practical means to enter into marriage,” ayon pa sa mambabatas sa kanyang panukala.

Napakahalaga aniya ang kasal sa pagpapatag ng lipunan kaya malaking tulong kung payagan din ang mga mambabatas na magkasal.

(BERNARD TAGUINOD)

129

Related posts

Leave a Comment