DALAGA PINATAY, ITINAPON SA CREEK

CEBU – Natagpuang walang buhay noong Lunes ang isang dalaga makaraang dumalo sa sayawan sa Barangay Camugao, sa bayan ng Pinamungajan, sa lalawigan, sinasabing pinaslang ng kanyang kamag-anak na lalaki.

Ayon sa report ng Pinamungajan Police, nadiskubre ang bangkay ng 21-anyos na biktimang si Jocelyn Samillon na nakalubog sa creek sa nasabing lugar at natatakpan ng mga dahon.

Nabatid sa imbestigasyon, ang biktima ay huling nakitang buhay noong Sabado ng gabi habang nasa sayawan sa pista ng isang barangay malapit sa kanilang lugar.

Inaresto naman ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa Barangay Bitoon sa nasabi ring bayan ang isang 18-anyos na binata na kamag-anak din ng biktima, na siyang itinuturong suspek sa krimen.

Base sa resulta ng imbestigasyon, may mga pasa ang biktima matapos na ito ay pagsusuntukin ng suspek. Sinakal din ito na siyang posibleng ikinamatay nito.

Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na nagalit ito sa dalaga dahil pinagbintangan nitong magnanakaw siya sa kanilang lugar.

Nakakulong na sa Pinamungajan Police Station locked-up cell ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong murder.

(NILOU DEL CARMEN)

79

Related posts

Leave a Comment