Dating pulis tiklo sa buy-bust AKTIBONG PULIS HULI SA DOUBLE MURDER

BATANGAS – Isang dating pulis at isang aktibong pulis ang naaresto ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon dahil sa magkaibang kaso sa lalawigan ng Batangas at sa Rizal noong Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng Calabarzon Police Regional Office, sa unang operasyon sa Sto. Tomas City, Batangas, timbog ang dating pulis na kinilala lamang sa pangalang “Jun Rey”, sa drug buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Brgy. San Rafael, alas 11:20 ng gabi.

Ang suspek ay nakatala bilang high value individual drug personality sa PNP drug watch list.

Nakumpiska sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na 2 gramo ang timbang at tinatayang P13,800 ang halaga. Nakatakda itong sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala sa Rizal, naaresto ang isang aktibong pulis na kinilala sa pangalang Police Senior Master Sergeant Reden Tu, dahil sa kasong 2 counts ng murder.

Si PSMS Tu na nakatalaga sa Quick Reaction Platoon Section, Camp Security and Escort Unit, sa Headquarters Support Service sa Campo Crame, ay naaresto sa Barangay Guitnang Bayan 1, sa San Mateo, Rizal dakong alas-11:40 ng gabi.

Inaresto ito ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station at ng mga operatiba ng SDIT, RIU-NCR, Intelligence Group at personnel ng CID Intelligence Unit, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Clarisa Dao, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 174, San Mateo, Rizal.

(NILOU DEL CARMEN)

168

Related posts

Leave a Comment